CHAPTER FIFTY ONE

122 11 0
                                    

Agad kong nakita ang nanay ni Tristan pagpasok ko sa bahay nila. Nakakatuwa dahil malayo na ang hitsura niya kumpara sa hitsura niya noong nagbabantay pa kami sa hospital. Masaya akong nakikita siyang ganito ngayon.

"Hi, Sam. Welcome to our home." Bati nito sa akin sabay beso. "Sige na, Tristan. Nandyan na si Justin sa dining area. Ako na munang bahala kay Sam."

Iniwan kami pansamantala ni Tristan. Dinala ako ni tita sa sala nila at pinaupo. Tinabihan niya ako at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"I'm glad that you came on my son's special day." Sabi nito habang hawak ang kamay ko. "Alam mo, lagi ka niyang kinukwento sa akin so I know that you are that special."

"Hala totoo po? Nakakahiya." Nahihiyang sabi ko rito. Hindi naman ako nainform na kinukwento na pala ako ni Tristan sa kanya bago pa kami nagkakilala.

"Bakit ka naman mahihiya? Natutuwa nga ako dahil wala siyang ibang sinasabi kundi puro magaganda." Dagdag na kwento nito. "Sinabi rin pala niya sa akin na sinamahan mo siyang magbantay noong nasa hospital pa ako. Sobrang salamat, Sam."

"Wala po 'yon, tita. Sobrang bait din naman po sa akin ni Tristan kaya I don't see any reason for me not to be kind." Sagot ko rito. "In fact, I owe him a lot. Sobrang ginuide niya po ako sa volleyball kaya mabilis akong nakaadjust sa team. Kung wala po siguro siya, baka hindi na rin ako tumuloy."

"Speaking of volleyball, napanood ko mga laban niyo, ah. Congrats on winning your first silver." Bati nito sa akin. "You and Tristan together - sobrang perfect combination. I've never seen him that dedicated to cover the ball pero when it comes to you, grabe, halos languyin niya na buong court just so he can cover for you." Natatawa nitong dagdag. "No wonder, he was hailed the best digger."

"Ang galing naman po talaga ni Tristan. Kaya confident po talaga akong pumalo kasi alam kong nandyan naman si Tristan to back me up." I answered.

"Did I just hear my name? Ako yata ang topic niyo, ah?" Sulpot ni Tristan na binalikan pa talaga kami. "That's true, though. I'll always have your back." Sambit nito na umupo pa sa tabi ko upang akbayan ako.

"Bakit umupo ka pa? Ayaw mo pa bang kumain?" Tita asked Tristan dahil mukhang makikipagkwentuhan pa ito sa amin. Agad naman itong tumayo at niyaya kami papuntang dining area nila.

Pagkarating namin doon ay nakita ko si Justin. Ito na yata ang closest interaction namin after months of him giving me his cold shoulders. Sanay naman na ako. Mabuti na lang at nandito si Tristan kaya hindi masyadong magiging awkward for me.

"Sam, this is Justin. Para ko na ring anak 'yan." Pagpapakilala ni tita kay Justin.

"Kilala ko po siya, tita." Sagot ko rito.

"Oh nice. Saan kayo nagkakilala?" She asked.

"My life has been quiet but he bothered me to join the organization he's in. Sobra po niya akong pinilit and I will admit, he caught me with his efforts and flowery words pero hindi na po niya ako pinapansin ngayon and I don't even know why." Gusto ko sanang sumagot nang ganyan dahil iyon ang totoo but I stopped myself.

"Magka-org po kami." Sabay naming sagot.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now