CHAPTER SIXTY TWO

126 10 0
                                    

Nagbabanlaw na si Tristan ngayon dahil kakatapos lang naming maligo sa dagat. Pagkatapos ng gathering kasi ay naisipan naming maligo na muna dahil wala naman na kaming gagawin ngayon. Nagpaiwan ako sa labas dahil paniguradong maliligo na rin sila Martin. Ayos lang naman sa aking magpahuli because I find peace while looking at the sea kaya't kahit mag-isa lang ako ngayon ay ayos lang.

Not until I saw Justin. Mag-isa lang din siyang nakatingin sa dagat ngayon. Baka pareho kaming pinapauna na muna ang mga kasama namin sa kwarto bago pumasok sa loob. He once told me na para akong dagat - malalim. Parang ngayon, siya yata ang parang dagat dahil kahit anong gawin ko, hindi ko siya mabasa. Napakalalim. If only I can have the power to read his mind, baka naiintindihan ko lahat ng ginagawa niya.

Napalayo ako ng tingin nang may tumabi sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa dagat upang hindi ko na siya maisip. Panigurado namang hindi niya ako iniisip.

Nakakaisang minuto pa lang yata ako ay hindi na ako nakatiis at ibinaling kong muli ang atensiyon ko kay Justin. Sakto namang nakita ko ang pag-amba niya ng suntok sa taong tumabi sa kanya.

"Hoy!" Sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanila.

Nasa kani-kanilang kwarto na ang mga tao kaya't wala akong mahingan ng tulong.

Nang makalapit ako ay agad akong pumagitna sa kanilang dalawa. Doon ko lang napansing si Austin pala ang tumabi sa kanya.

"Anong ginagawa niyo? Para kayong mga tanga." Sita ko sa kanila.

Walang sumagot ngunit iniwan na lang kami ni Justin. Napansin kong napangisi si Austin pagkatapos ng nangyari.

"Ano 'yon? Ha? Ano ka? High school?" Walang tigil kong sita kay Austin.

"Sana nga high school na lang uli. Baka sakali, akin ka pa." Sagot nito na nagpataas ng kilay ko.

"Gago ka ba? Ikaw 'yung unang bumitaw, hayop ka. Wala kang karapatang magpakasadboi ngayon kasi ikaw 'yung nanakit." Sumbat ko sa kanya. Tutal naman, binalik niya na ang nakaraan naming dalawa. Maganda na rin yatang ganito para hindi niya na ako guluhin pa.

"Kaya nga nagsorry ako, 'di ba? Sorry. Sorry ulit. I was too immature to let go of the best thing I ever had. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi ang bobo ko, ang tanga. Sorry kasi iniwan kita." Nagulat ako nang naluha siya sa harap ko. Nagulat ako kasi bakas sa mukha niyang nasasaktan pa rin siya ngayon. Nagulat ako kasi nararamdaman kong totoo ang sinabi niya.

"Okay na, Austin. Okay na. Okay na ako kahit noong hindi ka pa nagsosorry." Sagot ko rito. My friends made me whole again. Justin helped me through it.

"Okay na tayo?" Parang nakarinig siya ng magandang balita sa isinagot ko.

"Okay na... ako. I don't think we'll ever be okay, Austin. I appreciate your apology but not to a point na iisipin kong okay na tayo. I'm not open for that idea. Maganda na 'yung alam kong nagsorry ka." Sagot ko rito. Ayaw ko namang paasahin siyang magiging okay ang tingin ko sa amin dahil parang kahit kailan, hindi na.

"But I don't want that. Gusto kita, Sam. Gusto pa rin kita. Gagawin kong lahat para bumalik tayo sa dati." Pagpupumilit nito.

"Hindi na nga, Austin. Ayaw ko." Mariin kong sagot dito.

"Dahil kay Justin? Kay Tristan? Sino bang pinalit mo sa 'kin?" Tanong nito.

"Hindi kita kailangang palitan para marealize kong hindi na kita mahal, Austin. Hindi kita pinalitan. Dumating sila noong wala ka nang karapatan."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now