CHAPTER TWENTY FIVE

217 13 0
                                    

Justin joined us while waiting for our class. Agad niyang nakagaanan ng loob sina Aya at Mau kaya't natuwa naman ako. Tumutugtog siya habang nag-aaral kami para sa quiz mamaya kaya't nagkaroon kami ng instant background music.

"Hi guys." Bati ni Albert sa mga kaibigan ko. "Kanina ko pa kayo hinihintay bumalik sa org room. Nandito lang pala kayo." Baling nito sa amin ni Justin.

"Mga kaibigan ko nga pala." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Albert nga pala." Inabot niya ang kamay niya at nakipagkilala kina Aya.

"Aya."

"Mau."

"Wendell pre."

"Ang sweet nyo naman. Dinalaw niyo pa si Sam dito." Natutuwa nitong sabi sa kanila.

"Nawala sa library, eh." Natatawang sagot ni Aya dito.

"Nagpupunta ka rin ba sa Spotlight?" Tanong ni Mau.

"Yup. Kasama ako madalas ni Justin." Sagot nito. "Hindi nga kayo kumakanta, eh. Laging si Sam inaabutan niyo ng mic."

"Luh? Parang sinasabi mong ayaw mong marinig si Sam, ah?" Singit ni Justin.

"Issue ka!" Sagot nito sabay batok kay Justin na ikinatawa naming lahat. "Sino ba namang ayaw makinig kay Sam, 'di ba?"

"Naks! Bolero ka rin, eh." Ako naman ang nang-asar sa kanya.

Maya-maya lang ay lumabas sa elevator si Tristan at agad ako nitong napansin kaya't nilapitan kami nito.

"Hala. May milk tea ka na pala." Nanghihinayang nitong sabi nang mapansin ang milk tea na iniinom ko ngayon.

"Kabogera. May papa." Bulong ni Aya sa akin kaya't hinampas ko siya nang bahagya sa hita upang tumigil siya.

"Masyado mo namang nililigawan si Sam para sumali sa volleyball team. May pa-milk tea ka na rin, ah." Biro ni Justin dito.

"Buy 1 take 1 pa rin, eh. Binigyan mo siya kagabi kaya naisipan kong sa kanya na lang din sana ibigay ngayon kaso meron na pala." Nanghihinayang na paliwanag nito.

"Thank you, Tristan. Naappreciate ko 'yung thought pero binilhan na kasi ako ng kaibigan ko. Sorry." I guiltily told him.

"Okay lang. May next time pa naman." Sagot nito. "Tristan nga pala." Pagpapakilala niya sa mga kaibigan ko kaya't muling nagpakilala ang mga kaibigan ko.

"Akin na lang 'tong isa, ah. Kapatid mo naman ako." Hindi pa man nakakasagot si Tristan ay nakuha na ni Justin ang milk tea na para sana sa akin kaya't nagtawanan kami.

"May choice pa ba ako?" Sagot ni Tristan dito na mas nakadagdag ng tawanan namin.

"Kumusta pala kagabi? Napagalitan ka ng coach niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. I made it on time. Besides, kasalanan naman nila talaga 'yon dahil sinabi na nilang wala tapos nagpatawag ng practice kagabi." Sagot nito na ikinatuwa ko. "Kumusta naman noong wala na ako?"

"Okay naman." I lied. Hindi ko naman pwedeng sabihin na umiyak ako kagabi dahil baka maging issue lang.

"Nanalo sila Albert sa Stick-O eating contest." Singit ni Justin. Pakiramdam ko'y naramdaman niyang kailangan ko ng tulong sumagot doon.

"If I was there, kami ni Sam mananalo for sure." Pagbibida ni Tristan which I doubt. Kung kay Justin nga'y naging awkward para sa akin, paano pa kaya kung siya?

"Hindi rin, uy!" Kontra ni Albert dito na muling ikinatawa namin.

"By the way, Tristan! Nasabi ko na pala kay mama and pumayag siyang magtry ako sa varsity."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now