CHAPTER TWENTY ONE

219 18 0
                                    

Pagbalik ko ng pwesto ko'y sobrang nablangko ako. Nagpapalakpakan sila pero hindi ko nararamdaman ang saya.

"Solid naman, Sam! Hugot na hugot ka, ah." Puri ni Justin pagkabalik ko.

"Popster, eh. Damang-dama niya 'yung linya ni Sarah." Sagot ni Tristan dito na may halong pang-aasar, pagmamalaki at paghanga ngunit hindi ko sila inimikan.

Ang tanong na gusto kong masagot ngayon ay kung bakit nandito siya. Miyembro rin ba siya ng org na 'to? Lagi na ba kaming magkikita? Paano ko siya maiiwasan?

"Badtrip! Bakit naman ngayon pa?" Inis na sabi ni Tristan na halos pasigaw na.

"Anong meron?" Tanong ni Justin. "Training 'no?"

"Nagtanong ako nang maayos. Sabi wala daw tapos biglang meron pala ngayon." Paliwanag nito.

"Hindi ka pa ba nasanay? Sige na. Baka magrounds ka na naman kung hindi ka pa umalis ngayon." Doon bumalik ang ulirat ko dahil narinig kong aalis na pala si Tristan.

"Hala bakit?" Tanong ko.

"Random training. Sorry, Sam. Bawi ako sa susunod." Tumayo na ito at inangat ang kamay niya na mukhang nakikipag-apir bago umalis.

Hindi man ako sanay sa ganoon ay nakipag-apir ako rito dahil maayos naman ang naging trato niya sa akin. In fact, I should be thankful.

Nang makaalis na siya'y muli akong napatingin sa direksiyon ng taong hindi ko inaasahang makita ngayon. Ang bigat pa rin pala.

"Okay ka lang?" Tanong ni Justin na mas lalong nagpalambot sa puso ko.

Hindi ko na napigilang mapaluha kaya nagmamadali akong tumayo at tumakbo papuntang banyo.

Nang makarating ako sa banyo'y nagtuloy-tuloy na ang paglabas ng luha ko. Para akong sinaksak muli nang makita ko siya. Ganoon pa rin kasakit. Walang nagbago.

Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Namumugtong mga mata at luhang hindi ko alam kung kailan balak tumigil... Ganitong-ganito rin noon.

Napatigil ako nang may biglang pumasok sa banyo. Agad kong inub-ob ang mukha ko sa lababo at nagpanggap na naghihilamos ng mukha upang hindi niya makitang kakagaling ko lang sa iyak.

"Sam." Parang tumigil ang mundo ko. Matagal ko nang hindi narinig ang boses na iyon ngunit pamilyar pa rin sa akin. "I never expect na magkikita ulit tayo."

Inangat ko ang ulo ko ngunit nakayuko pa rin upang hindi niya makita ang hitsura ko ngayon.

"I have to go." Paalam ko rito.

"Sorry." Nang sabihin niya iyo'y parang tinusok na naman ang puso ko't pumatak muli ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Gusto ko na lang maglakad papalayo. Ayaw kong makita niyang nasasaktan pa rin ako nang dahil sa kanya.

Nang akmang maglalakad na ako'y nagsalita siyang muli.

"Kausapin mo naman ako, oh. Ang tagal na nating hindi nagkakausap." Pahabol nito.

Really? The audacity.

"Wala na akong kailangang sabihin sa 'yo." I tried to sound strong. Gusto kong maramdaman niyang kaya ko kahit wala siya sa buhay ko.

"Wala na ba talaga ako sa 'yo?" Tanong nito. Naalala kong ganoong ganoon din ang linyang binitawan ni Piolo sa kanilang pelikula kaya't binalikan ko siya.

"Hindi ikaw si Piolo. Hindi ako si Sarah. At lalong-lalo nang hindi ako tanga para makalimutan na lang nang ganon-ganon lahat ng ginawa mo sa akin." Sagot ko rito. Still, trying to sound strong. "You know what? Do me a favor. Huwag mo na akong patayin ulit!"

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon