CHAPTER SIXTY SIX

130 8 0
                                    

Kanina lang sa biyahe ay antok na antok pa ako. Hindi ko alam kung bakit kung kailan ako nakauwi ay saka ako hindi makatulog.

Natapos ang team building na kami ang nanalo. Sinabihan kasi kami na kung sino mang manalo ay automatic na mapapasama sa lahat ng theater plays na gagawin ng org.

Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan 'yon. Wala naman sana akong pakialam dahil wala naman akong oras para sumali sa play. But when I saw how my teammates' faces lit up upon hearing that, I knew I had to do it... and I am glad that I did.

Maaga ang klase namin bukas kaya't tulog na dapat ako ngayon ngunit nahihirapan talaga akong makatulog. Naisipan kong magbukas na lang muna ng Twitter upang magpaantok at ang unang bumungad sa akin ay ang tweet ni Justin.

I could use a friend right now. Sinong g?

Baka gaya ko, hindi rin siya makatulog kaya't gabing-gabi na ay naghahanap pa ng kaibigan. Hindi ko na sana papansinin 'yon but there's a part of me that kept on convincing me to be that friend.

I found myself sending him a direct message.

Need mo ng kausap?

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad ito.

Tulog na. Maaga ka pa bukas 🙂

Hindi nga ako makatulog. So ano? Kailangan mo ba ng kausap o hindi?

Hindi na 🙂 Pahinga ka na.

Okay. Sabi mo, e.

Congrats kanina.

Thanks!

Engeng jacket.

Luh? Hindi naman ako si Kuya Will.

Ang slow naman.

Ha? E bakit ba?

Wala. Wala. Tulog ka na.

Parang tatay amp. Lalo akong hindi makakatulog kasi iisipin ko pa 'yan hanggang mamaya.

Wala lang 'yon. Tulog ka na!

Bahala ka nga diyan.

Sorry.

Natigilan ako. Reading that word from him makes me feel something I can't explain.

Why?

I wanted to talk to him more dahil ngayon na lang ulit kami nagkausap nang ganito ngunit hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya, laging hindi ko alam.

Matalino akong tao. Alam kong matalino ako. Pero bakit pagdating sa kanya, laging hindi ko alam ang sagot?

Lalo na akong hindi makakatulog nito. Para akong nalulunod sa isang bagay na sobrang babaw pero hindi ko alam kung ano. And I just want to escape from it, like what I usually do.

Ibinaba ko ang cellphone ko at pinilit kong matulog. Isang ikot, dalawa, hanggang sa nakailang ikot na lang ako't hindi pa rin ako nakakatulog.

Pagkatingin kong muli sa cellphone ko ay alas tres na ng madaling araw. Muli kong binisita ang Twitter upang magtweet.

Can't.fckin.sleep

Nagulat ako dahil alas tres na ngunit may mga nagreply pa rin sa tweet ko. Some are suggesting na uminom ako ng gatas, some are telling me to sleep as if I haven't tried doing it, and some just saying hi hoping that I will notice them.

Isasara ko na sana ang Twitter ko ngunit bago ko pa 'yon magawa ay nakatanggap ako ng isang dm.

Nasa Spotlight ako. If g ka, sunod ka na lang.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now