From: Wendell
Nasa lib ka ba? Gusto mo sabay na tayo lunch?
Hindi ko na napansing 11:15 na pala dahil sa sobrang dami ng plano kong aralin upang hindi maghabol ng oras sa mga susunod pang araw.
'Thirty minutes pa siguro. Nandito ako sa Music.' Sagot ko rito kahit na paniguradong alam naman niyang dito talaga ako nag-aaral.
Maya-maya lang ay naramdaman ko nang may taong tumayo sa harap ko. Akala ko'y si Del na iyon ngunit pagkatingin ko rito'y ibang tao pala.
"Ikaw 'yung nasa Spotlight kagabi, tama?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niyang iyon. Hindi gaanong maliwanag sa lugar kaya't nakakapagtakang namukhaan niya pa ako. Not to mention na mga nagwawalwalan talaga ang mga kasabayan namin kagabi kaya paniguradong nalasing din siya.
"Yup." Awkward kong sagot dito.
"Can I sit here?" Tanong niya kaya't agad kong inayos ang mga gamit ko dahil ang dami kong handouts na nakakalat sa table.
"Sure. Paalis na rin naman ako in a few minutes." Sagot kong muli.
"Accountancy, 'no?" Tanong niya habang nakatingin sa uniform ko.
"Yup." Sobrang awkward na ng sitwasyon sa akin but I don't want to act rude dahil wala naman siyang ginagawang masama. Maybe he's just that friendly kaya kahit hindi niya ako kilala'y dinadaldal niya ako.
"Sorry for disturbing you. By the way, I am Justin from Commerce. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa because I don't want to take much of your time." Nang sabihin niya iyon ay agad ko siyang hinusgahan sa utak ko. Isa na naman siguro siya sa mga nabiktima ng networking na kunwari'y may produktong binebenta para sabihing legal sila pero sa pagrecruit naman ng mga tao pinakakumikita.
"Sorry, hindi ako open minded for that." Inunahan ko na siya ngunit nagulat ako nang matawa siya dahil sa sinabi kong iyon.
"Hindi 'to networking." Paglilinaw niya habang tumatawa. "But you're somehow right because I'm trying to recruit you. Kagabi, narinig kitang kumanta. Different songs, different genre, different range - sobrang lawak ng musicality mo. It would really be our pleasure kung sasali ka sa org namin. I know na next month pa 'yung recruitment fair but I am recruiting you not just for the sake of recruiting but because your talent truly belongs to our org. Sana ma-consider mo." Sobrang sarap sa pakiramdam na makarinig ng ganoong mga salita mula sa isang taong hindi mo naman kakilala talaga. But I just can't. I don't have the luxury of time to join another organization.
"Thank you for thinking that way pero ayaw kitang paasahin. Member na ako ng volleyball team ng Accountancy and I really don't have the time to commit sa isa pang org. Sorry." Diretsahang sagot ko rito.
"Ganoon ba? Sayang naman. Umasa pa naman akong magkakaroon ng bagong talented singer sa org." He smiled bitterly after saying that kaya nakonsensya ako sa pagtanggi kong iyon.
"Sorry talaga. Ayaw kong magbigay ng false hopes by saying na susubukan ko when I know for a fact that I'll say no in the end." Paliwanag ko rito.
"Don't need to be sorry. I just tried my luck." Sagot nito. "Ano 'yang inaaral mo? Based on your lanyard, freshman ka pa lang so Gen Ed subjects 'no?" Tanong nito.
"Yup. Philosophy, Biology and Humanities." Sagot ko rito.
"Ang sipag mo naman to study all those minor subjects that way." Sa totoo lang, pareho sila ng sinasabi ng mga kaklase namin na sobra ko raw aralin ang mga subjects kahit minor lang naman. The truth is I'm afraid of failure kaya kahit hindi sila ganoon kabigat, kailangan ko pa ring pagtuunan ng pansin para payagan ako ng mga magulang kong ituloy ang paglalaro ng volleyball.
"That's what they all say."
"Bakit dito ka sa Music nag-aaral? Maingay dito. May naggigitara, piano, violin - iba't-ibang instrumento na sabay sabay tumutugtog." Nagtataka nitong tanong.
"Exactly the reason why I'm here." Sagot ko naman.
"Music lover. Sayang talaga. You could've been a great addition to our org." Muli ay ngumiti ito nang mapait. "Just in case na magbago isip mo, you can always find me here." Dagdag nito na hindi ko na lang sinagot dahil quota na siya sa pagtanggi ko.
Sakto namang pagkasabi niya noon ay pumasok si Del kaya't niligpit ko na ang mga gamit ko kahit hindi pa ako tapos mag-aral.
"Mauna na ako. Thank you for that little chit-chat." Paalam ko kay Justin.
"See you around." Tumayo na ako at ngumiting muli sa kanya bago tuluyang umalis.