CHAPTER FORTY FOUR

157 10 0
                                    

Sabay kaming bumalik sa Maynila. Nagyaya pa sana siyang kumain but I'm just too tired from that long travel kaya kahit gusto kong sumama sa kanya ay pinili ko na lang magpahinga para handa rin ako sa training mamayang gabi. Besides, madaling araw na kaya ayos lang namang hindi na kami kumain.

Tanghali na ako nagising. Naligo kaagad ako dahil hindi na ako nakaligo kagabi dahil sa sobrang pagod sa byahe. Besides, I need to look presentable naman kahit papaano kapag lumabas ako para kumain.

Baliw na nga yata ako dahil pagkatapos kong maligo ay siya na agad ang nasa isip ko. Away from our province life, ano kayang magandang gawin ngayong hindi pa nagsisimula ang klase? I can't think of any.

I've decided to check my phone hoping that he sent me a message. Hindi naman ako nagkamali dahil bago pa man ako magchat sa kanya ay nakapagchat na sya.

Hi, Sam! Ayaw kitang abalahin sa pagtulog mo so please send me a message kapag gising ka na.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa chat niyang iyon. Napakaseryoso. He didn't even tell me kung anong meron.

Hi! Naligo pa ako, sorry. Anong meron?

Wala ka namang lakad, 'no?

Wala naman aside doon sa training pero mamayang gabi pa kasi 'yon. Pakaba ka!! Bakit nga?

Tristan needs us. He will surely appreciate kung sasama ka.

Hala! Anong nangyari? Okay lang ba siya?

I'm not in the position to answer that siguro. Nasa lobby na ako. Punta ka na lang dito para sabay tayong pumunta sa ospital.

Ang tagal naming walang balita sa mga kaibigan namin dahil pahirapan talagang makasagap ng signal sa amin. Kinabahan lalo ako sa sinabi niyang iyon. Bakit nasa ospital si Tristan? Sana ayos lang siya.

Nagmamadali kong kinuha ang cellphone at wallet ko at agad na pinuntahan si Justin sa lobby.

"Hala anong meron?" Nag-aalala kong tanong pagkakita namin. Hindi ko maiwasang mabahala dahil hindi namin alam ang nangyari dito noong wala kami.

"Ang kulit." Sabi nito sabay himas ng ulo ko. "Tara. Kanina pa tayo hinihintay ni Tristan."

"Masyadong pakaba 'to. Nakakaoverthink kaya." Reklamo ko sa kanya pero naiintindihan ko naman kung hindi talaga pwede.

"'Wag kang mag-alala kay Tristan. Ayos lang siya." Sagot niya. Siguro, sapat nang sagot 'yon para hindi na ako mag-alala. Sapat nang alam kong ayos siya. "Bumili na pala ako ng pagkain nating tatlo. Doon na lang natin kainin sa ospital." Dagdag niya. Doon ko lang napansin ang bitbit nitong plastic na paniguradong sa Angkong nanggaling.

Mabuti na lang at walking distance lang ang ospital mula sa dorm namin dahil nasa loob ito ng university. Pagkarating namin sa kwarto ay naabutan naming nakaub-ob lang ang ulo ni Tristan sa kama nang nakadilat. May babaeng nakahiga doon ngayon na sa tingin ko ay nanay ni Tristan.

"Hala Tristan. Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong. Ang daming kableng nakakonekta sa katawan ng nanay niya kaya paniguradong malubha ang nangyari dito.

Inayos ni Tristan ang kanyang pagkakaupo.

"Uy. Salamat sa pagpunta, ah." Bati nito sa amin nang may pilit na ngiti. Bakas sa boses niya ang panghihina at puyat. "Hindi na kasi magising si mama noong isang araw. Sinugod ko na rito. Buti na lang talaga at narevive pa pero ayon, comatose pa rin, eh." Paliwanag nito sa amin. Parang nadurog ako sa sinabi niyang iyon dahil alam kong mabigat para kay Tristan ang nangyari kay tita.

Walang salita ay nilapitan ko ito upang yakapin. "Nandito lang ako, Tristan. Nandito lang kami."

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon