CHAPTER FIFTY FOUR

122 14 1
                                    

"Ano namang feeling na ginawa niya 'yon sa national TV?" Tanong ni Mau habang naghahanap ng mga kantang isasalang sa videoke.

"I felt awkwardly special." Sagot ko.

"Pak! Nag-imbento pa nga ng bagong term." Biro ni Mau. "Awkwardly special." Gaya nito sa sinabi ko. "So, how does it suppose to mean?"

"Awkward pero masarap sa pakiramdam. Alam niyo 'yon? Siyempre hindi ko naman inasahan na may ganoong paandar pala ang kuya mo. Ilan pa 'yung nanood doon, 'di ba? Kaway-kaway pa ako sa mga tao tapos bigla silang nagtilian. Sobrang awkward." Paliwanag ko sa kanila. "But then again, masarap sa pakiramdam."

"I told you - bet ka n'on! So, what now? Bet mo rin ba?" Tanong ni Aya. Naaalala ko ngang sinabihan niya ako noon na pakiramdam niya'y gusto ako nila Tristan.

"Actually, hindi pa. But Tristan? He's really worth the shot." Sagot ko rito.

"What's stopping you? I mean, if he's worth the shot, why not give it a shot now?" Tanong ni Aya.

"Priorities. Hindi pa kasama sa priorities ko ang magkalovelife ngayon." Sagot ko. Besides, I think I'm still moving on from Justin - kahit hindi naman naging kami. "Ang tagal namang umakyat nila Del? Ba't ba kasi walang signal dito?" Pag-iiba ko ng usapan. Ni hindi namin sila macontact kung nasaan na sila dahil walang signal kanina pa.

"Chill. Sabi naman ni Rayver sa'kin kanina, they're on the way na." Sagot ni Yuki.

"See? Kalma na. Birthday na birthday mo, stress galore ka." Dagdag ni Mau rito.

"Baka dumiretso sa taas 'yon. Nakakaloka! Check ko nga." Sabi ni Aya sabay tayo.

Naiwan kaming tatlo sa loob. Maya-maya lang ay bumalik agad si Aya sa amin.

"Nandito na pala sila, eh." Sabi nito pagkapasok.

Nagulat ako dahil si Tristan ang una kong nakita. Hawak niya ang isang bouquet ng rosas at sa likod niya nama'y sila Del na may kani-kanilang hawak din.

"Happy birthday to you." Pakantang bati nila sa akin.

Lumapit sila sa direksyon ko. Tumayo ako upang hindi naman awkward ang pagtanggap ko sa kanila. Si Tristan ang pinakaunang lumapit sa akin at inabot niya ang bouquet ng asul na rosas sabay yakap.

"Happy birthday, Sam. I'm so thankful that I've met you." Bati nito sa akin.

"Thank you, Tristan. Thankful din ako kasi dumating ka sa buhay ko." Sagot ko rito.

Pagkalas namin sa yakap ay isa-isa ring inabot sa akin nila Del ang dala nila at isa-isa ring bumati.

Ang saya ko dahil nakasama ko ang mga mahahalagang tao sa buhay ko ngayong birthday ko. Wala na akong mahihiling pa dahil alam kong lahat sila, nagmamahal sa akin.

Dumating na rin ang mga order namin kaya't nagsimula na kaming kumain habang nagkakantahan ang lahat.

"Balita ko pala, magkakaroon ka ng intermission number sa recruitment fair. I'd love to join you kung gusto mo." Biglang sabi ni Tristan out of nowhere.

"Huh? Hindi man lang ako ininform. Saan mo nalaman?" I asked him.

"Nasabi lang ni Justin. Pinapasabi rin pala niyang happy birthday."

Before You Go (boyxboy) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora