CHAPTER FORTY EIGHT

128 12 0
                                    

Ang tagal ko nang hindi gumagamit ng Twitter pero pakiramdam ko'y eto na ang tamang panahon para doon.

20/20 vision but damn, napakalabo

I brought back my attention to my friends after sending that tweet. Wala naman sa kanilang makakabasa non dahil hindi ko naman binigay ang Twitter account ko sa college friends ko.

Naglalakad na kami ngayon papuntang Spotlight. Nakasama ako sa kanila dahil pinayagan kami ng mga coach naming magpahinga muna dahil sa Linggo pa naman ang susunod naming laro at nanalo naman kami kanina. Nakauwi na rin naman ang mommy ni Tristan kaya wala na kaming binabantayan sa ospital kaya naisipan kong sumama na talaga sa kanila. Besides, ang tagal naman na noong huli naming ginawa 'to.

"Sayang, Sam! Sana sinama mo 'yung teammate mong gwapo." Biglang naisingit ni Aya na iniwan pa si Mau upang masabi lang sa akin 'yon.

"Sino doon?" Tanong ko ngunit may ideya na ako kung sino.

"'Yung Romero. Number 17." Sagot nito na nagkumpirma sa naisip ko. Gwapo naman talaga si Kevin. Mabait pa so paniguradong matutuwa lalo si Aya kapag nakilala niya but I doubt na sasama sa akin 'yon.

"Ayan. Hilig niyo sa gwapo tapos kapag nasaktan, damay lahat ng lalaki." Hugot ni Del dito.

"Woah! Saan nanggaling 'yon?" Singit ni Mau na binagalan na ang lakad upang makasabay sa amin. "Pero true, Sam. Ang gwapo nga niya."

"Hindi naman kami close. Saka na kapag kaclose ko na." Sagot ko sa kanila na sa totoo lang, hindi ko alam kung mangyayari ba. Nahihiya rin ako kay Kevin dahil out of my league ang tipo ng kaibigang gaya niya. Nakakahiyang makipagkaibigan kasi hindi naman yata kami bagay as friends.

Pagkarating namin sa Spotlight ay nakahanap agad kami ng pwesto. Agad kaming umorder para matapos kami nang maaga.

As usual, marami na namang kanta ang nilagay nila at ako lang naman ang kakanta. Naalala ko tuloy kung paano ako nakilala ni Justin. Kung hindi kaya ako kumanta noon, magkakakilala kaya kami? I doubt.

Unang kanta pa lang ay muli ko na namang naalala si Justin. Grabeng utak 'to. Wala na yatang ibang laman kundi si Justin.

She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know

Hindi ko man siya kasama ngayon o hindi ko man siya nakakausap gaya noon, siya pa rin talaga ang laging laman ng utak ko. Sa totoo lang, I chose not to. Madalas kong pinipigilan ang sarili ko dahil nasasaktan lang ako pero hindi ko pa rin maiwasang maisip siya dahil bawat galaw ko, all I can see is a picture of him doing things with me.

And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on

I don't want to hold on lalo na't alam kong wala naman akong kakapitan talaga. Ang sakit sa dibdib kapag iniisip ko kung ano bang mali sa akin. Ano bang kasalanan ko? Hindi ko talaga alam. But there's a part of me that's still holding back.

So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go

I don't want to let him go. Mabuti na lang at busy ang mga kaibigan kong magkwentuhan kaya hindi na nila napansing napaluha ako nang kantahin ko ang parteng 'yon.

Tumalikod ako upang punasan ang luha ko ngunit agad din akong nagsisi.... dahil sa paglingon kong iyon ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

Maybe my love will come back some day
Only heaven knows

I felt my voice shaking. Sakto pa sa kanta ang nararamdaman ko sa kanya.

And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows

Only heaven knows. Alam kong kahit anong tanong ko sa sarili ko, langit lang ang makakasagot dahil kahit si Justin, hindi binubuksan ang usapang iyon kapag nagkakasalamuha kami.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now