I feel so bad for Tristan. Alam kong gustong-gusto niyang bantayan ang mommy niya pero hindi niya magawa dahil may iba pa siyang priorities. Mabuti na lang talaga at nasa loob lang ng university ang ospital kaya't kapag may libreng oras kami ay pwede kaming pumunta kaagad doon.
"Gusto mong dumaan muna sa org room? Tagal na nating hindi nakakadaan doon kasi lagi mo akong sinasamahan sa pagbantay kay mommy." Tanong nito pagkatapos naming kumain. Inuubos ko na lang ang sundae ko at pagkatapos nito ay paniguradong aalis na rin kami agad.
"In fairness nakakamiss din mga tao doon, ah." Sagot ko rito. "Pero sira. Okay lang naman sa aking samahan ka sa pagbantay kay tita." Dagdag ko.
Wala rin naman akong ibang pakay sa org room kundi si Justin pero nararamdaman ko nang hindi naman niya ako kakausapin doon. Ewan ko ba. Sobrang laki ng nagbago sa kanya. Kapag nagkikita kami ay parang lagi niya nang gustong umalis kaagad. Ngingitian niya lang ako pero pagkatapos noon ay wala na. Nakakapanibago dahil hindi naman kami ganoon sa Marinduque.
"Lagi na tayong nagbabantay kay mommy. Ni hindi ka na nga nakakapag-aral sa library kasi lagi mo akong sinasamahan. Promise, okay lang. Tambay muna tayo sa org room ngayon."
Pumayag ako dahil mapilit siya. Besides, mukhang kailangan namin parehong magpunta doon to somehow unwind - ako sa academics at siya naman sa nangyayari sa buhay niya ngayon.
Pagkarating namin sa org room ay naabutan namin ang org na buhay na buhay gaya noon. Nagtutugtugan sila ngunit ang kaibahan lang ngayon, hindi ako ang tinutugtugan ni Justin.
"Uy, hi! Kumusta?" Bati ni Albert sa amin pagpasok namin sa loob.
"Ayos naman kami. Focus sa acads pati sa training kaya hindi na rin nakakadalaw dito, eh." Sagot ko sa kanya. I was lowkey expecting na sana, kausapin ako ni Justin pero nginitian lang ako nito.
Gusto ko siyang tanungin kung ano bang problema namin bakit bigla na lang nagkaganito. May nagawa ba ako? Wala akong naaalala.
It's sad because no matter how much I divert my attention, it's still killing me.
"Oo nga pala! Malapit na rin UAAP, ah. Reserve niyo sa amin patron ticket kapag weekend games, ha?" Bilin ni Martin sa amin.
"Oo naman. Sure 'yan." Sagot ni Tristan dito. Hindi ko naman alam paano kalakaran noon kaya hindi ako sumagot.
"Ready na kaming magcheer para sa inyo. Gusto niyo agawin pa namin drums sa drumline, eh." Pagbibida ni Albert.
"Tapos kada score ninyo kami na maglead sa mga tao." Suporta ni Martin sa sinabi nito.
"Grabe! Excited na ako." Natutuwang sabi ni Albert. "Huy! Sumuporta ka naman. Ikaw 'tong nanghahype noong nakaraan pero ang tahimik mo ngayon." Baling nito kay Justin. Natahimik kaming lahat, lalo na yata ako, sa paghihintay kung anong isasagot ni Justin.
"Siyempre magchicheer din ako. Baka nga mas malakas pa sigaw ko sa inyo kapag nandoon na tayo." Sagot nito kay Albert. "Teka nga. CR lang ako."
Ayaw niyang pag-usapan. Hindi man niya sinabi ay alam kong iniiwasan niya talaga ako ngayon.