Sobra akong namangha sa bagong areglo ng kanta nila. Kung noong una'y hindi ko maramdaman 'yung sakit kahit na sobrang tagos sa puso ng lyrics, ngayon nama'y parang bawat salita ng kanta'y isinulat para sa akin.
"Ayos na ba?" Tanong ni Justin pagkatapos nilang tumugtog.
"Sobrang solid na! Damang-dama na 'yung sakit. Grabe! Ang ganda!" Puri ko sa kanila. Hindi ko inasahang magiging ganito kabigat 'yung kanta dahil hindi ko talaga naramdaman ito noong una.
"Ayon!" Sigaw ni Martin. "Ang hirap isipin paano babaliin 'yung kanta but good thing, you already like it. Malapit na rin kasi 'yung recruitment fair so kailangang nakafinalize na 'to by now." Kwento nito which also reminded me na mas malapit na ang midterms exam namin.
"Kakantahin niyo 'yan sa recruitment?" Tanong ko sa kanila.
"Yup! Nood ka, ah?" Imbita sa akin ni Justin.
"Baka hindi ko na kayo maabutan, eh. Panggabi kasi 'yung klase namin." Sagot ko rito. Kahit gusto ko mang makita ang reaksyon ng mga tao kapag kinanta nila 'yan, mukhang malabo talaga unless hindi pumasok ang prof namin.
"Sayang naman. Pero at least, napakinggan mo na ngayon. Isipin mo na lang na marami kang kasama na nakinig sa amin." Suhestiyon ni Albert na tinawanan ko dahil hindi naman na kailangan.
"Pero for sure, maraming makakarelate sa song niyo. Ang dami pa namang ghosters sa school natin." Biro ko sa kanila.
"Nako po! Bad 'yon!" Komento ni Martin sa sinabi ko tungkol sa ghosters.
"Sus! Isa ka ring ghoster, eh." Sita ni Justin dito.
"Excuse me? Sineenzone ko lang siya tapos hindi na siya nagchat ulit so basically, mutual 'yon." Depensa nito. Hindi man ako makarelate ay natatawa na lang ako dahil ngayon lang ako nakaencounter ng totoong halimbawa ng ghosting.
"Siya pa rin last chat so ikaw talaga 'yung nangghost." Kampi ni Albert kay Justin at nag-apiran ang dalawa habang pinagtutulungan si Martin. "Kaya Sam, 'wag na 'wag kang mafafall dito kay Martin. Gwapo 'yan pero nang-iiwan sa ere." Baling nito sa akin.
"Hindi 'yan mafafall sa akin. Tropa, eh." Itinaas nito ang kamay upang makipag-apir sa akin. Maybe asking for confirmation na hindi nga ako mafafall sa kanya kaya't nakipag-apiran ako dito dahil sigurado naman akong wala talaga.
"Wala rin naman sa priorities kong magkalovelife. Aral muna bago landi." Sagot ko na may kasamang biro gaya ng laging sinasabi sa akin nila Aya kapag pinapaalala ko sa kanila ang priorities ko.
"Tama! Puro landi kasi inaatupag nitong si Martin, eh. Ang daming matches sa Tinder tapos iba-iba ng tawagan." Muling pang-aasar ni Albert sa kaibigan.
"Napakainggitero mo talaga. Kapag dito, may naging successful, who you ka talaga sa akin." Sagot nito na may kasamang duro sa kaibigan kaya't tinawanan ito ni Albert.
"Pasensya ka na, Sam. Ganyan talaga 'yang dalawang 'yan. Laging nag-aasaran. Baka sila pa magkatuluyan tignan mo." Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako nang marinig ko iyon kay Justin. Ibig sabihin, sobrang open minded pala nila sa sexuality ng tao to think na baka nga magkagustuhan 'tong dalawang 'to.
"'Wag na lang, uy! Hindi ako willing magkajowa ng malandi. Baka makahanap agad 'yan ng ipapalit sa akin." Pagtanggi ni Albert dito.
"Napakasama talaga ng ugali nito sa akin. Kapag ikaw na-fall, 'wag na 'wag kang iiyak sa harap ko, ah." Balik nito. Pero paano nga kaya kung ma-inlove sila sa isa't-isa? Parang ang hirap isipin sa ngayon.
"Sure. Hindi rin naman ako mafafall talaga."