CHAPTER FIFTY THREE

125 13 0
                                    

It was but a quick conference. Nakakatuwa dahil nagawa ko ang goal kong umayos sa digging para magcover kay Tristan at pakiramdam ko, isa iyon sa mga rason kung bakit kami ang nakakuha ng gold medal ngayon. One level higher sa una kong nakuha but it feels like a total opposite. Ang sarap sa pakiramdam na naging maganda ang conference na ito para sa amin. Idagdag pang kaming dalawa ni Tristan ang nakakuha ng awards bilang best outside hitter. Hindi ko rin inaasahang ako ang naging MVP ngayon dahil sobrang dami talagang deserving na makakuha ng award na 'yon.

Pagkatapos naming mareceive ang awards ay bumaba na kami sa stage. Nagulat ako dahil tumakbo bigla si Tristan at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman siya magawang sundan dahil nagpapasalamat pa ako sa mga tao sa paligid ko.

Pagkatapos kong pasalamatan ang management ng conference na ito ay umikot naman ako sa buong stadium upang kawayan lahat ng mga nanood. Nakakatuwa dahil maraming sumuporta sa amin. Nagulat na lang ako dahil biglang lumakas ang tilian ng mga tao kaya't napatingin ako sa paligid para malaman ang dahilan noon.

Nakita ko si Tristan - hawak-hawak ang isang bouquet ng bulaklak at naglalakad papunta sa direksyon ko.

Parang tumigil ang mundo ko. Isang pamilyar na pakiramdam na huli kong naramdaman sa sayawan sa probinsya namin.

"Ano 'to?" Nagtataka kong tanong nang makalapit siya sa akin.

"To my MVP." Sagot niya sabay abot sa akin ng bouquet. Nabigla ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "I asked God for guidance kasi alam kong kung ako lang, baka hindi ko kayanin. Sabi ko sa kanya, 'Lord, kung makuha namin ang championship, maglalakas loob na akong umamin sa nararamdaman ko.' I asked for strength na magawa ko 'to sa harap ng maraming tao because you are the kind of person na ang sarap ipagmalaki. So now, this is me telling you how valuable you are to me. Bagay sa 'yo 'yung title na MVP because you are already my MVP kahit hindi pa nagsisimula ang conference na 'to. I'm not rushing you, Sam. I just want you to know that I value you this much kaya naglakas loob akong ipangalandakan sa buong mundo. Ang gusto ko lang hilingin, e sana, buksan mo 'yung puso mo para sa akin. Gagawin ko ang lahat para matutunan mo akong mahalin. Will you open your heart for me?"

Para akong nalunod sa sinabi niyang iyon. Ang sarap sa pakiramdam marinig lahat ng sinabi niya dahil naramdaman kong totoo iyon base sa mga kilos niya.

"Tumayo ka nga diyan. Para kang nagpopropose." Natatawa kong sabi dito.

Pagkatayo niya ay hinila ko siya papalapit sa akin upang mayakap nang mahigpit. I appreciate this person so much and I'm willing to open my heart for him.

"Don't worry, Tristan. I'm not closing my heart on you. Just give me time." Sagot ko sa lahat ng sinabi niya para sa akin.

"I know that it's not part of your priorities right now pero masaya na akong at least, alam kong bukas 'yung puso mo para sa akin. Thank you, Sam. Thank you."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now