Maiksi lang ang naging break namin. Kinailangan kong bumalik agad sa Maynila dahil may sinalihan kaming liga. This puts too much pressure on us dahil kami ang nakakuha ng silver noon so ineexpect na naming mas maraming teams na ang pinag-aralan kung paano kami gumalaw. Ibig sabihin, kailangan naming pag-aralan kung paano kami kikilos nang hindi nababasa ng kalaban o 'di kaya nama'y magbago talaga ng sistema para mabalewala lahat ng pinag-aralan nila tungkol sa amin.
Malaking tulong na rin ang paglipat ko ng dorm dahil magkakasama na kaming teammates. Mas makikilala ko na sila at mas makakagaanan ng loob kaya hindi na lang si Tristan ang lagi kong masasamahan.
Ngayon ay nag-eensayo kami ng aming floor defense. Sobrang ginalingan ni Tristan noon kaya pakiramdam ko'y kailangan ko ring magstep up ngayon sa pagcover sa kanya para mas maging maganda ang laro namin. Hindi pwedeng sa receive lang ako maaasahan.
Sa totoo lang, iyon ang parte ng training na hindi ko pinagtuunan ng pansin noon. I was so confident with Tristan doing it great that I didn't consider that he needs to be covered too. Ang nasa isip ko lang, if he can do the digging, I will do the receiving.
Great thing na napag-isipan ko 'yon while I was away. Nasanay na ako sa mga routine namin kaya kahit nasa probinsya ako ay kinokondisyon ko pa rin ang katawan ko. Jogging sa umaga, receiving drills sa tanghali at jumping drills sa hapon. Dahil doon, nawawalan ako ng oras para masaktan dahil kahit saan ako tumingin, parang nakikita ko ang presensya ni Justin.
Pero sino nga bang niloloko ko?
Ayoko na sana. Mahirap masaktan nang masaktan dahil sa isang taong wala naman nang pake sa iyo. But everything I do reminds me of him. Na sa bawat galaw ko, alam kong minsan sa buhay kong nandoon din siya sa lugar na iyon.
"Ang lalim yata ng iniisip mo." Sulpot ni Gio sa tabi ko.
"Ha? Sira. Uminom lang ako bago magstart." Palusot ko rito. "Ikaw nga diyan kakarating mo lang." Sita ko rito dahil ginising na namin siya kanina pero nalate pa rin sa training.
"Kanina pa ako nandito. Kausap ko si coach kanina pa kaya hindi ako makapagstart." Paliwanag nito. "Tignan mo! Hindi mo napansin kasi nakatulala ka. In love ka, 'no?" Asar nito sa akin. Tama naman siya - hindi ko nga napansing kanina pa siya nandito.
"Anong in love? Bawal pa. Diploma muna bago jowa." Paglilinaw ko rito.
"Awit. Ang tagal pa ng diploma. Pwede namang pagsabayin." Biro nito.
"Priorities first. Hindi naman ako uhaw na uhaw sa jowa." Sagot ko.
Pero kung si Justin, siguro ayos lang.
Ang tanga ko na yata talaga for still considering him as my love interest. Wala siyang pake sa akin. Hangin na nga lang yata ako sa kanya tapos ganito pa rin ako mag-isip. Nakakainis.
"Sige na nga. Sana all may priorities." Habol na pang-aasar nito sabay tawa. "Bilisan mo nang uminom diyan dahil kanina pa sila nagtetraining doon."