CHAPTER FIFTY SEVEN

128 10 0
                                    

Niyaya ako ni Tristan na sumama sa kanya pauwi. Gusto raw akong makita ni tita para mabati ako nang personal kaya sumama na ako.

"Mahal na mahal ka ng mama ko, grabe." Biglang sabi ni Tristan habang nagmamaneho. "Good thing naman para alam nating boto sa atin, 'no?" Dagdag pa nito.

"Nanay ko rin, grabe. Nagayuma mo yata. Si Justin kasama ko noon pero ikaw hinahanap." Natatawa kong sagot dito.

"Dumalaw ulit si tita dito?" Nagtataka niyang tanong.

"Ay hindi! Sa probinsya. Dumalaw kasi si Justin sa amin tapos ikaw hinanap ni mama." Kwento ko rito. Hindi pala sinabi ni Justin?

"Buti na lang boto na pala sa akin si tita kahit wala pang tayo." Biro nito. Buti na lang din at hindi na siya nagtanong pa tungkol kay Justin dahil ayaw ko namang siya na lang ang pag-usapan namin buong biyahe lalo na't hindi ko na naman siya maintindihan.

"Nakita ko pala si Justin. Pinapabigay niya." Humugot sa bulsa si Gio. Akala ko'y nagbibiro siya ngunit inabot niya sa akin ang isang pick. "Happy birthday daw."

"Magpapatayo ata ng fansclub mga nanay natin." Sakay ko sa biro nito. Kailangan kong hindi isipin si Justin dahil babalik na naman ako sa phase na hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng ginagawa niya.

"I can't wait. Sobrang swerte ko 'pag naging tayo." Parang kiniliti ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Hindi kita minamadali, ah. Naiintindihan ko. Pero ngayon pa lang, masaya na ako."

"Bakit ba? Ano bang nakita mo sa akin?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagustuhan dahil wala naman akong ginagawang espesyal.

"Dati, gusto lang talaga kitang mapasama sa team after watching you play. Tapos noong nalaman kong ikaw din pala 'yung kinukwento ni Justin sa akin, siguro doon nagsimula. Passionate, friendly, magaan kasama - ganoon ka niya dinescribe noong una ka niyang nakilala." That's something na hindi nasabi sa akin ni Justin. Ganoon pala ang tingin niya sa akin dati.

"Dahil sa inuman, ganoon niya ako dinescribe?" Nagtataka kong tanong.

"Ang corny pakinggan pero sabi niya, he saw your soul while you were singing that night. Soldier of music. Tapos ang saya mo raw tignan habang kasama mga kaibigan mo. Naaalala ko pa nga, para rin siyang in love habang kinukwento sa akin 'yon. Kung hindi lang siya straight, iisipin kong karibal ko 'yon sa 'yo, eh." Parang tumigil ang mundo ko. Napansin din niya. Ayaw ko na sanang mag-assume pero paano nga kung nagustuhan din ako ni Justin? Paano kung totoo pala lahat ng intindi ko sa kung paano niya ako tinrato? What if I was really special?

Pero kung oo, bakit bigla na lang kaming nagkaganito?

"Are you okay?" Tanong niya nang mapansing nanahimik ako.

"Oo naman." Maiksing sagot ko rito.

"Masyado lang yata akong naging madaldal. Sorry." Nakonsensya naman ako dahil sinisi na naman niya ang sarili niya.

"Baliw! Hindi ko lang alam isasagot ko." Paliwanag ko rito. Glad that I didn't have to lie dahil totoo namang hindi ko alam ang isasagot.

Before You Go (boyxboy) Onde histórias criam vida. Descubra agora