CHAPTER TWENTY

234 15 0
                                    

Gusto kong tumakas. Gusto kong magpanggap na wala akong narinig para hindi nila ako piliting magpunta sa harap pero huli na ang lahat. Nakatingin na silang lahat sa akin.

"Go, Sam! Ang ganda ng naging performance mo noong audition sa script reading kaya gusto kong makita nilang lahat 'yung sinasabi ko." Pangungumbinsi ni John Saga sa akin.

Wala na akong magawa. Imbis na patagalin ko pa'y tumayo na ako upang matapos na. Nagpalakpakan sila dahil doon pero sobrang nahihiya ako.

"Pero siyempre, dapat may kapartner 'to." Agad kong tinignan si Justin nang sabihin iyon. Paniguradong makakampante ako sa harap kapag kasama ko si Justin.

"Ako na!" Nagtinginang lahat dahil sa pagsigaw ni Tristan. Maraming nagpalakpakan sa ginawa niyang iyon ngunit ang mga mata ko'y nakatingin pa rin kay Justin.

Bakit hindi siya?

Inabot sa amin ang script na kailangan naming basahin. The Breakup Playlist. My favorite movie of all time.

"Alam mo 'to?" Tanong sa akin ni Tristan.

"Yup!" Sagot ko rito.

"Popster ka pala, ah?" Magkahalong tanong at pagkumpirma nito. Bakas yata sa pagsagot ko sa kanyang natuwa ako dahil ito ang natapat sa amin.

"Tell us when you're ready." Bulong ni John Saga bago umalis.

Binasa ko ang script at tandang-tanda ko ang eksenang iyon. Tinignan ko si Tristan at nakita kong handa na rin siya kaya't hinanap ko si John Saga ngunit isang hindi inaasahang tao ang nakita ko.

Bakit siya nandito?

Bumalik ang ulirat ko nang biglang magsalita si John Saga. "Go."

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko'y bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Bakit siya nandito? Gusto kong magwalk out na sana ngunit sinimulan na ni Tristan ang pagsasalita.

"Trixie, sakay ka na. Trixie! Sandali. Trixie. Trix. Trixie." Pagsisimula niya na gayang-gaya ang nasa eksena.

"Ano ba?"

"Sandali lang."

"Ano ba?" Nakadagdag ang pagbabalik ng naramdaman ko sa pagbitaw ko ng linyang iyon.

"Trix."

"Tigilan mo na ako. Huwag mo akong hawakan."

"Sabay ka na sa akin. Please."

"Tigilan mo na ako. Pwede ba?"

"I just wanna say I'm sorry."

"You're sorry?"

"I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung naging masama akong tao sa 'yo. I'm sorry sa lahat ng 'yon." Pakiramdam ko'y siya ang nagsabi sa akin noon. Galit... Sakit... Panghihinayang... Sobrang labo ng nararamdaman ko ngayon dahil naghalo-halo na silang lahat.

"O sige na! Pinapatawad na kita. Ano pang gusto mo? Ano pang gusto mo?! Pinapatawad na kita! Ano ba?"

"Ilabas mo na ang lahat ng galit mo sa akin ngayon. Tatanggapin ko. Gusto ko lang - gusto ko lang humingi ng tawad sa 'yo. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko. Hindi na ako 'yung Gino na nakilala mo dati. Nagbago na ako para sa 'yo. Mahal pa rin kita."

"Gago ka ba? Gago ka ba? Ha? Gago ka ba? Ha? Anong mahal pa rin kita? After three years, mahal mo pa rin ako? Sinong niloloko mo?"

"Sorry. Sorry. Wala na ba talaga ako sa 'yo?"

"Sige. Oo! Oo, mahal kita! Mahal pa rin kita! Pero anong ginawa mo sa akin?" Imbis na lumingon kay Tristan ay humarap ako sa direksiyon niya. Tinignan ko siya sa mata kahit pa alam kong maluha-luha na ako ngayon at may posibilidad lang na pumatak na ito ng tuluyan. "Pinatay mo lang ako, eh! Pinatay mo lang ako."

"I'm sorry, Trix."

"Alam mo? Do me a favor." Matagal akong huminto. Sinigurado kong makikita niya sa mga mata kong para sa kanya itong huling sasabihin ko. Kasi bakit pa siya nagpakitang muli? Bakit siya bumalik? "Wag mo na akong patayin ulit!"

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now