CHAPTER THIRTY EIGHT

164 12 0
                                    

Sobrang iba talaga ang pakiramdam kapag sa probinsya nagPasko. You'll see in everyone's faces that they are happy kahit na hirap na hirap na sa buhay. May sayawan, may tugtugan, at hindi mawawala ang programa sa bayan.

Hindi na dapat ako sasama ngayon ngunit napilit ako ng mga pinsan kong sumama sa kanila. Ika nga nila, isang beses lang naman sa isang taon nangyayari ang ganito. Isa pa, ang tagal ko nga rin namang nawala.

"Hindi ka makakapagcelebrate nang ganire kung ika'y nagpaiwan na laang doon sa bahay ninyo." Sambit ni Roxanne habang sumasayaw sa kanyang pwesto.

"Mandin. O kaya 'kikisayaw ka na laang doon sa mga matatanda ng Touch by Touch. Ay!" Dagdag ng kapatid nitong si Rochelle sabay palakpak pa dahil tawang-tawa ito sa ideyang pumasok sa utak niya.

Nagtawanan kaming tatlo dahil totoo naman ang sinabi niyang iyon. Puro matatanda ang mga kasama namin doon kaya iba ang selebrasyon nila kumpara sa amin.

"Kayo ngani ang nakikisayaw doon kanina. Nakaupo lang ako sa gilid habang kakire ninyo sa harap ni Boyong." Sita ko sa kanila. Akala siguro nila'y nakalusot sila sa pagharot kay Boyong na crush naman na nila noong bata pa lang kami.

"Ay aanhin? Itong si Rochelle, ayaw magpatalo ay!" Sita ni Roxanne sa kapatid.

"E ikaw? Hindi ka ngani nagatigil. Para kang kiti-kiti doon kala mo naman wala kang katipan." Balik ni Rochelle dito.

Tutuloy pa sana sila sa pagtatalo nang may biglang lumapit na lalaki sa pwesto namin. Hindi ako pwedeng magkamali. Katawan pa lang nya ang nakikita ko pero sigurado na akong siya 'to.

"Kayo na ulit?" Nagtatakang tanong ni Roxanne habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"Merry Christmas." Bati nito sa aming tatlo. Wala na. Sira na ang araw ko.

"Uwi na tayo." Yaya ko sa mga pinsan ko kahit hindi pa namin naririnig kumanta ang kanina pa namin hinihintay na Ben&Ben.

"Uy! Sorry ngayon lang ako." Kung nagulat na ako sa pagdating ni Austin ay mas kinagulat ko naman ang bagong dating lang na si Justin na umakbay kaagad sa akin. "Wow! Nandito ka rin?" Tanong nito kay Austin.

"Paalis na rin ako actually. I just approached to greet you guys a Merry Christmas." Sagot nito.

"Sayang naman. Merry Christmas, bro." I can hear from his voice na sobrang inauthentic ng sagot niyang iyon. Kahit bati niya, bakas na peke.

Sumenyas na si Austin na aalis siya ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Nang mawala na ang presensya nya ay binaba agad ni Justin ang kamay nya mula sa pagkakaakbay sa akin.

"Sorry." Bulong nito. Pakiramdam ko'y tungkol sa pag-akbay nya ang sinabi niyang iyon na kung iisipin, kung hindi niya naman ginawa'y hindi aalis si Austin.

"Hala sya? May pagbulong pa. Ikaw pala'y may bagong katipan na kaya hindi mo pinansin si Osteng. Hindi ka nagasabi. Asumbong 'ta kay auntie!" Kantyaw ni Roxanne sa akin.

"Hala, hindi. I just felt the need to act on it when I saw Austin." Sagot nito. I knew it. Ever since na nalaman niya ang tungkol kay Austin, he's been nothing but sensitive to my emotions.

Hindi ko maiwasang mapahanga dahil hanggang dito sa probinsya, he acts as my superhero. Sobrang unexpected pero sobrang thankful ako kasi he existed..... at the perfect timing when I needed someone like him.

"Besides, ayaw ko namang hindi nyo mapanood 'yung Ben&Ben dahil aalis kayo agad."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now