CHAPTER TWENTY NINE

208 15 1
                                    

Nakaorder na kami ng kakainin namin. Sobrang mura nga ng pagkain dito kaya't maliban sa liempo ay umorder din ako ng gulay. At dahil mura nga ang kanin, dalawa na agad ang inorder ko pagkatapos kong makita na dalawa rin ang inorder ni Justin.

"Masarap 'yan kapag may toyo." Suhestiyon niya habang nilalapag ang toyo sa lamesa namin. "Softdrinks pala gusto mo?" Tanong niya.

"Anong meron dito?" Tanong ko pabalik.

"Pepsi lang pati Mountain Dew." Sagot niya.

"Okay. Mountain Dew na lang." Sagot ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang siya mismo ang kumuha ng inumin namin dahil walang nakabantay doon. Kinabahan ako dahil baka mahuli siya ng bantay kaya't tinignan ko ito nang masama. Mas ikinagulat ko na imbis na kabahan ay natawa ito sa naging reaksyon ko. Pagkalapit niya sa akin upang ilapag ang mga inumin ay kakausapin ko na sana siya ngunit muli siyang umalis. Nagtataka ko siyang tinignan na pumunta muli sa kahera at nakita kong binayaran nya ang mga inumin namin.

Nang muli siyang makalapit sa akin ay hindi pa rin niya mapigilang matawa sa naging reaksyon ko.

"Masyado kang kabado. Don't worry. Hindi ako ganoon kasama para magnakaw ng softdrinks." Natatawa pa rin nitong sabi pagkaupo niya.

"Aba malay ko ba? Nagbukas ka na lang bigla nang walang pasabi so akala ko tinatakas mo." Depensa ko rito.

Lalo siyang natawa pagkasabi ko noon. Hindi ko naman siya masisisi dahil talaga nga namang ang OA ng naging reaksyon ko kanina.

"Ganoon dito. Self service talaga mga inumin." Paliwanag niya nang mahimasmasan na sa kakatawa.

"Uy, magkano pala babayaran ko?" Tanong ko nang maalala ko na siya ang nagbayad ng inumin ko.

"Sira! Okay na." Sagot nito.

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Naaawa ba sa akin ang mga kaibigan ko at akala nilang wala akong pera? Ilang araw na akong nililibre kaya sobrang nakakapagtaka na.

"Mukha ba akong naghihikahos sa buhay?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi naman. Bakit?" Balik nito ng tanong sa akin.

"Pansin ko lang kasi na these past few days, lagi akong nakakatanggap ng libre. Baka mukha na pala akong gusgusin sa paningin niyo kaya niyo ginagawa 'yan." Paliwanag ko kung bakit ko nasabi iyon. Hindi naman sa nagrereklamo akong nililibre ako pero ilang araw na rin kasing ganito.

"Hala siya? Kung kami ni Tristan tinutukoy mo, ganito lang talaga kami. Normal na sa amin 'to." Paliwanag nito. "Speaking of Tristan, nabasa mo ba chat niya?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Yup. Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko rito na agad ko rin namang nasagot sa isip ko.

"Pinapasabi niya sa akin just in case daw na hindi mo makita dahil nasa message requests." Sagot niya na tinanguan ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain. "Good luck sa training mamaya. Stay injury-free." Pagpapaalala nito sa akin.

"Thanks! Oo naman. Ang sakit kaya kapag nagkakainjury. Buti nga hindi ako natuluyan noong nakaraan." Sagot ko rito.

"Anong hindi? Ilang araw masakit paa mo noon, 'di ba? Buti na lang sa Music ka nag-aaral kaya 'di ka apektado ng sirang elevator." Pagpapaalala nito. Ilang araw rin kasing ginawa ang elevator kaya't hindi iyon gumana. Buti na lang talaga at hindi ko kailangang lumakad ng hagdan papaakyat para lang makapag-aral.

"Buti nga eh. Malayong lakarin pa sana." Pagsang-ayon ko rito. "Oy! Akala ko ba kaya mong mag-apat na kanin?" Tanong ko rito nang mapansin kong hindi na siya umoorder uli ng kanin.

"G ka ba? Ready naman tiyan ko ngayon." Tanong nito na may halong paghahamon sa akin.

"G!"

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon