CHAPTER 32

133 8 1
                                    

"Paris Cauldron..."

Bumungad sa paningin ni Paris ang nakangising babaeng nakaitim na cloak, mahaba ang buhok, maputi at diretsong nakangisi sa kanya. Sa kanang kamay ay hawak ang isang piraso ng kahoy...

Kinilabutan si Paris.

Ang presensya nito ay napakabigat, katulad na katulad ng kanyang ina.

"S-sino ka?"

Tumaas ang sulok ng labi nito, saka madilim na tumingin sa kanya.

"Ako ang papatay sa'yo."

Nang marinig iyon ni Paris ay nakiramdam niya natuyuan siya ng laway. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nanatiling nasa babaeng nakaitim na cloak ang kanyang paningin na biglaang naging seryoso ang reaksyon ng mukha.

Pakiramdam ni Paris ay hinihigop nito ang kaluluwa niya tuwing magtatama ang paningin nila.

I need to escape...

I don't know why, I don't know how... But all I know is I need to escape.

"Diyan ka lang!"

Bumalik sa isipan ni Paris na naroon pa rin sa kanyang gilid si Lietro nang marinig niya ang boses nito. Gayunpaman ay hindi niya nagawang lingunin ito, nanatili ang kanyang paningin sa kanyang harapan.

Malakas at nakakakilabot na tawa ang pinakawalan ng babaeng iyon dahilan para manindig ang mga balahibo ni Paris sa katawan. Damn!

"Lietro Villamorte. . ." Anito na ikinagulat ni Paris.

Kilala nito si Lietro?

Doon lamang nailingon ni Paris ang ulo, at nang makita niya ang reaksyon ni Lietro ay mas lalo siyang naguluhan. . . Gulat at nagtatakang tinitigan niya ang mata nito.

Kulay dilaw iyon at lumiliwanag.

Pakinabgong kilabot ang naramdaman ni Paris sa oras na iyon.

Hindi na lingid sa kanyang kaalaman na hindi rin ordinaryong tao si Lietro, ngunit hindi sumagi sa kanyang isipan kung ano nga ba ang katauhan nito.

"Nagkita tayong muli," Nagsalitang muli ang babaeng iyon kaya't napatingin si Paris dito. Sunod ay ibinalik ni Paris ang paningin kay Lietro, saka muling ibinalik sa babaeing iyon. Nalilito si Paris.

Naguguluhan siya sa nangyayari. Ano bang nangyayari? Sino ang babaeng ito? Base sa kung paano ito umakto, ganun na rin ang kaibigan ni Paris na si Lietro, ay magkakilala ang dalawa.

"Sino ka?" Nang magkalakas ng loob ay muling inulit ni Paris ang tanong kanina.

Dahil doon ay napuntang muli ang atensyon ng babaeng iyon sa kanya. Sinalubong ni Paris ang mga titig nito, etulad nang kung paanong salubong ang dalawa niyang kilay sa oras na iyon.

Ngumisi ito. Ngising nakakakilabot. "Hindi mo na ba ako natatandaan?" Humakbang ito palapit, dahilan para hagitin si Paris ni Lietro mula sa kanyang braso patungo sa likuran nito. Walang nagawa si Paris kundi ang magpahila. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas dahil sa mga titig ng babaeng iyon.

"Magtatanong ba ako kung sino ka kung natatandaan kita?" Kahit na nababalot na ng takot at kaba ang buong kalooban ni Paris ay nagawa pa rin niyang maging sarkastiko rito.

Ngunit mukhang mas mabuti yatang itinikom nalang niya ang kanyang bibig. Dahil pagkasabe niyang iyon ay biglang nagsalubong ang dalawang kilay nang babaeng nasa kanyang harapan. At ang aura nito ay biglang nagbago — mas lalong bumigat.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now