CHAPTER 11

190 22 47
                                    

Pagod na pagod na naglalakad silang apat paakyat ng bundok, kasama ang iba pang hikers at ang dalawang gumagabay sa kanila upang hindi sila maligaw.

Dala nila ang nagbibigatang mga bags nila. Ngunit mas malaki ang dala ni Paris, dahil mas marami an dala niyang gamit.

Ang plano sana ay aakyat lang ng bundok, ngunit dahil hapon na at nag-suggest rin  si Paris kanina na matutulog sila sa itaas ng bundok, para mas maenjoy daw nila ang lugar, napagdesisyuna nalang nilang magcamp nalang after hiking.

Pumayag naman ang guider nila _ kung tawagin ni Carris — dahil hindi iyun ang unang pagkakataon na may gumawa nun. Atsaka, safe naman ang bundok na iyun, dahil nga walang mababangis na hayop na nakapaligid doon.

"I'm tired," anas ni Paris nang malapit na sila sa tuktok ng bundok. "Geez. Bakit ba kase naisipan natin tong hiking nato?"

Umismid si Carris na nasa likuran niya. "Correction, Rys," Anito habang hinahawi ang malaking dahon na humarang sa dinaraanan niya, "Naisipan mo, hindi natin!"

"Tch. Nag agree naman kayo. Parehas nayun!"

"Hindi yun parehas, magkaiba yun!"

"Parehas!"

Sumingit si Lietro na katabi ni Paris. "Malapit na tayo sa tuktok, huwag na kayong magreklamo!"

"Sinong nagrereklamo?" Tanong ni Paris kay Lietro.

Walang emosyong nilingon ni Lietro si Paris, "Seriously? Tch."

Nagpatuloy nalang sa paglalakad si Lietro, wala siyang mapapala kung makikipagtalunan pa siya. Ngunit habang naglalakad ay lumilinga linga siya sa paligid. . . Para bang may hinahanap.

Napansin iyun ni Carris. Kinalabit ni Carris si Gesryl na kasabay niyang maglakad.

"Ges, wala ka bang napapansin?" Bulong ni Carris sa taenga ni Gesryl.

"Ano naman?"

"Parang palaging nakabantay si Lietro kay Paris." Sinulyapan niya si Lietro na palinga linga sa paligid.

Nalilitong nilingon ni Gesryl si Carris. "Ha?"

"Look." Ani Carris saka itinuro si Lietro na nasa unahan nila. Kung hindi ito lumilinga sa paligid, kay Paris ito tumitingin. Kung saan naman daraan si Paris, andun din siya. Sinasabayan din ni Lietro ang bilis ng lakad ni Paris.

Nasa pinakahulihan kase sila, ang mga kasama nilang hikers saka guider ay nasa unahan.

Nang makita iyun ni Gesryl, hindi niya mapigilang hindi magbigay ng konklusyon sa nakikita. Kung talagang may alam siya sa mundo namin, maaarang alam niya rin ang lugar nato. Ngunit bakit? Sino ba kase siya?

Napakapanganib nitong gubar kung tutuos tuosin — hindi dahil maraming mababangis na hayop dito kundi dahil paniguradong nagkalat sila sa paligid. Ngunit hinayaan lang ni Gesryl na tumungo rito si Paris, dahil ito ang paraan upang malaman nito ang tunay na katauhan niya.

Nang mapansin ni Gesryl na nagtatanong pa rin ang mga nito ay nagsalita na siya. "Wag mo nalang pansinin. Baka may gusto siyang ikuwento kay Paris na ayaw niyang   ipaalam sa atin."

"Ano naman yun?" Tanong ni Carris, nagkibit balikat lang siya. "Tch. Bahala na nga siya."

Habang naglalakad ay napapansin ni Paris na palaging nakadikit sa kanya si Lietro. Hindi naman siya nito kinakausap, pero bakit dikit ng dikit ito sa kanya?

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now