CHAPTER 23

118 8 31
                                    

"J-joana," Aniya.

Ngunit kinabahan siya nang makita ang takot sa mukha nito.

Isinara nito ang cubicle.

"Don't make a noise," Bulong nito sa kanya, saka nanginginig na tumungo sa may gilid ng cubicle. Nakita niya ang panginginig ng kamay nito.

Mabilis niyang tinapos ang pag-ihi at itinaas ang salawal. Nawalan na siya ng hiya dahil binalot na rin siya ng kaba.

"A-anong nangyare?" Bulong niya at sinubukan ring pakinggan ang nangyayare sa labas.

"There's a . . .  There's a girl outside," Nanginginig itong humarap sa kanya, " And. . . And. . . May hawak siyang . . . Knife," mas lalo siyang kinabahan nang tumulo na ng tuluyan ang mga luha ni Joana.

"Calm down, calm down," Pagpakalma niya rito dahil nanginginig ito. Kahit kinakabahan siya, nilakasan niya ang loob niya. Kahit hindi niya gusto ang ugali nito, ngunit iba pag ganito ang sitwasyon. "Tell me what happened. . . Ano'ng nakita mo?"

"There's a girl . . . Habang naghihintay ako sa labas. . . I saw it. . . I saw it, 'yong babae, papalapit saken, may. . . May hawak siyang knife at. . . Muntikan niya akong masaksak," nanginginig na ipinaliwanag nito ang nangyare kanina, tumutulo ang luha ni Joana at. . . Pinipilit na huwag umiyak, pero nabibigo ito kapag sinusubukan nito iyon. "Buti . . . Buti nalang nakailag ako, and then. . . Mabilis akong pumasok dito, I locked the door . .  . And. . . And. . . I went here."

Pagkatapos nitong magkuwento, ay humagulgol na ito ng iyak. . .

Dinaluhan ni Isabella si Joana, niyakap niya ito at pinatahan. "It's okay. . . It's okay,"

Patuloy lang na umiiyak ito habang pinapatahan niya. . .

"It's alright, wala na ang babae, hindi siya makakapasok. .  . Nakalock ang pinto," Pagpapakalma niya rito, kahit siya ay gustong paniwalaan ang sinasabe niya, ngunit pumapasok sa isip niyang baka mabuksan ng babaeng iyon ang pintuan at. . . Pasukin sila.

Nanginginig na rin siya, kinakabahan, tumatambol ang loob niya. .  . Ngunit sinusubukan niyang maging matatag. "It's alright, hindi niya tayo mapapasok sa loob. . . Okay?"

Tumango lang si Joana habang humahagulgol ito sa kanyang dibdib.

Pinapatahan niya ito. . .

Maya-maya ay narinig nila ang pag-ingay ng doorknob, may sumusubok na buksan!

Dahil doon ay mas lalong humagulgol sa pag-iyak si Joana.

Ilang minuto lang ay tumigil na rin sa pagtunog ang doorknob.

Doon ay nakahinga si Isabella ng maluwag!

Patuloy pa rin siya sa pag-alo kay Joana. . .

Hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak.

"Okay ka na?"

Tumango lang ito saka kumalas sa pagyakap at tumingin sa kanya. Nginitian siya nito saka sinimulan ayusin ang sarili.

Tumayo ito saka binuksan ang cubicle. Sumilip muna ito saka lumabas sa cubicle.

"Saan ka pupunta?" Tumayo rin siya, at sinubukang sundan si Joana.

"Stay there muna, sisilipin ko kung wala na siya,"

"But—"

"Kapag narinig mong may nangyare sa labas, keep quit, don't make noise . . . Okay?"

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang