CHAPTER 30

111 6 5
                                    

"KAINIS!"

Salubong ang kilay na umupo si Paris sa sofa at kinuha ang remote saka pabagsak na binuksan ang TV.

Ikaw na nga concern, ikaw pa may kasalanan!

Nagmuni muni si Paris, kahit anong pilit niyang pagpokus sa panunuod ng palabas ay pilit hinihigop ng inis ang kalooban niya dahil sa hindi pakikinig sa kanya ni Gesryl kanina.

Bahala siya sa buhay niya, mamatay sana siya ng maaga. Antigas ng ulo!

Bahagyang nagulat si Paris nang maramdaman ang presensya sa kanyang gilid.

Salubong ang kilay niyang pinanuod na umupo si Manang Honey sa sofa, sa kanyang tabi. Ngumiti ito sa kanya, ibinalik niya ang paningin sa TV.

"Paris, okay ka lang ba?" Mahinahong tanong ni Manang Honey, sa boses nito ay paniguradong nakangiti ito.

Dahil kumukulo pa rin ang dibdib ni Paris ay hindi niya mapigilang ibulaslas ang nilalaman ng iniisip.

"Bweset kaseng taong 'yun. Ayaw makinig. Ako na nga itong concern, mukhang galit pa saken. Bweset!" Halata ang iritadong tono ng boses nito.

Narinig ni Paris ang pagbuntong hininga ni Manang Honey sa kanyang gilid. "Iho, hindi naman siguro sinasadya ng kaibigan mo ang pagsupladuhan ka kanina, baka dahil sa sakin na iniinda sa dibdib kaya medyo naging magaspang ang trato niya sayo."

"Anong konek ng magaspang niyang pagtrato sa masakit niyang dibdib? Tch. Sabihin niyo manang, wala talaga 'yong utang na loob!"

"Hindi naman siguro..."

"Buong magdamag akong naghintay na magising siya, doon pa nga ako natulog sa sofa sa tabe niya para mabantayan ko siya, tapos paggising niya susungitan niya lang ako? Impakto siya." Inis na pinindot ni Paris ang remote na nakaturo sa TV, nang hindi iyon gumana ay ibinato niya iyon sa TV. "Bweset!"

Napabuntong hininga si Manang Honey saka hinagod ang likod ni Paris. "Iho, may sasabihin ako..."

Kunot noong tumingin naman si Paris sa kasambahay. Tinaasan niya ito ng kilay. "What?"

Ngumisi ito sa kanya. "Kung hindi ko lang nasaksihan kung paano ka nagpapalit ng babae noon araw-araw, alam mo ba kung anong iisipin ko sayo ngayon?"

Nangunot lalo ang noo ni Paris. Pabitin ang bweset na matandang 'to... "Ano?"

"Iisipin kong may gusto ka sa kaibigan mo."

Mabilis na napaatras si Paris sa kausap saka nandidiring tumingin rito. "Yuck. Mandiri ka nga, Manang Haning. 'Yang utak mo kung ano-ano naiisip." Umiling iling pa si Paris saka isinalampak ang ulo sa likuran ng sofa. "I just treasure my friends too much..."

Bahagyang nalungkot si Paris nang maalala si Carris dahil kabilang ito sa itinuturing niyang kaibigan.

Napatingin siya kay Manang. "Nga pala, Manang Haning, nabalitaan niyo bang umalis si Carris patungong France?"

Tumango ito. "Hmmm."

Napabuntong hininga si Paris.  "That childish... Psh." Suminghal siya saka itinaas ang dalawang braso at ginawa iyong unan ng ulo. "What he was thinking at hindi nagawang magparamdam ng ilang araw saken, samin, satin?"

Tumayo si Manang Honey saka dinamat ang remote na itinapon niya kanina, pinatay ang TV, saka bumalik sa posisyon kanina. "Baka nag-iisip."

"What?" Nilingon ni Paris si Manang Honey saka bahagyang natawa ng mapakla. "Pumunta siya ng France at hindi nagparamdam ng ilang araw, para mag-isip? Unbelievable."

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now