CHAPTER 27

107 8 0
                                    

Napaupo si Gesryl sa kama at nakatingin lang sa litrato ni Barney na nasa wall niya. Paanong. . . anak ni Perious si Rosie?

Nagsasabe ba si Lucas ng totoo? Paniniwalaan ko ba? Punyeta.

Alas dose na ng hapon, ngunit hindi pa rin dinadalaw ng gutom si Gesryl. Ngunit kumain pa rin siya, dahil kailangan niyang maging malakas palagi, dahil may prinoprotektahan siya.

Matapos niyang kumain ng pananghalian ay naligo siya at nagbihis, he needs to go to Paris' mansion because he needs to talk to Paris.

He wore simple black shirt and a black pants. Lumabas siya sa condo at sasakay na sana ng taxi nang may marinig siyang pagsabog.

"Punyeta, ano na naman 'yun?"

Mabilis na nilingon ni Gesryl ang pinanggalingan ng pagsabog, malayo ito, ngunit dinig niya iyon. Kumabog ang dibdib niya. Hindi kalayuan ay nakikita niya ang bilog na mass na nakalutang sa ire, maliit lang ito sa paningin dahil kalayuan sa kinaruroonan niya.

Black portal.

Nagsalubong ang kilay ni Gesryl nang mapagtanto niya iyon.

Kanina bago siya pumunta ng mansyon nina Paris, pagkatapos niyang masagupa si Lucas nong nasa mall sila ay dumiretso muna siya sa pinanggagalingan ng ipinagbabawal na lagusan na iyon, dahil gusto niyang siguraduhin kung si Perious nga ang nagbukas non, tulad ng sinabe ni Lucas.

Kung sakaling makikita man siya ni Perious at tangkaing atakihin ay hindi siya aatras, ngunit nang pumunta siya sa gordon street kung saan ang lagusan na iyon ay wala na iyon doon, tahimik na ang mga tao, may mangilan-ngilan nalang na dumadaan at parang walang nangyare o walang nakitang black portal kanina lang.

Malamang ay bago pa siya nakapunta roon ay nanggaling na roon si Limar at ginawa na nito ang trabaho nito. Kaya siguro ay walang balita na lumabas patungkol sa portal na iyon.

Malamang ay si Limar ang nagbura ng mga ala-ala ng mga tao na nakakita niyon.

Pero bakit bukas na naman iyon ngayon? Anong binabalak ng babaeng yun?

Mabilis na bumalik si Gesryl sa condo, nginitian niya pa nang bahagya ang ilang stuffs na nadaanan niya bago siya tumungo sa special unit niya isinara iyon.

Pagpasok niya palang ay mahigpit na hinawakan niya ang wand na kanina ay relo'ng suot niya, at inikot iyon sa mabilis na paraan at biglang pinalibutan siya ng itim na usok, sa isang iglap... Naglaho siya.

Isang kilometro ang nilayo ni Gesryl mula sa Condo niya, dahil yoon lang ang limit ng Nebula, kaya napunta siya sa isang masikip na eskenita, mabilis niyang inikot muli ang wand saka siya napunta sa likod ng isang bahay, ngunit malayo pa rin iyon sa kinaroroonan ng itim na mass na iyon.

Ilang beses pa niyang ginamit ang Nebula kaya medyo nanghina siya dahil sa gumagamit iyon ng enerhiya sa katawan, ngunit nang napunta siya sa kinaroroonan ng mass na iyon, ay kumulo agad ang dugo niya.

Nasa isang abandunadong lugar ito. Walang masyadong tao rito banda, dahil under construction ang lugar na ito, at base sa itsura ay patatayuan ito ng isang malaking building, kaya walang bahay na nakapaligid rito.

Sira sirang mga kahoy na dating bahay ang nagkalat. At isang malaking abandunadong building ang bumungad kay Gesryl, sa taas ng abandunadong building na iyon ay ang napakalaking mass na itim na umiikot ikot sa ire, ang ikot nito ay spiral at parang isang black hole kung titignan.

Dark mass.
Black portal.
Ipinagbabawal na lagusan.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Gesryl at agad ginamit ang nebula, napunta siya sa loob ng abandunadong building.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now