CHAPTER 12

170 22 44
                                    

Nasa tuktok na sila ng mataas na bundok, kitang kita nila ang buong kabahayan mula roon. Gabi na kaya naman tanging mga ilaw na lamang ang nakikita nila, ngunit hindi nabawasan ang ganda sa paningin ang tanawin.

Matapos nilang mag sight-seeing, kanya kanya silang tayo ng tent. Yung iba ay naghanap ng mga sangang kahoy at ginawang bone fire, ang bone fire ay pinalilibutan ng mga tent na itinayo nila. Nasa anim na tent din ang naitayo, sama-sama ang ilan sa iisang tent.

Kanya kanya rin silang kumain nang sabay sabay. Lahat sila ay may mga dalang pagkain, kaya naman wala silang problema roon. Mga can goods saka ready to eat ang karamihan sa mga dala nilang pagkain, ngunit ang iba ay hindi — may nagluto sa kanila roon gamit ang mga kahoy at iilang mga bato na ginawang pugon.

Everyone is having fun.

Natapos na silang kumain at nagpahinga. Hanggang sa nagpaikot sila malapit sa bone fire, nakaupo roon at nagkukwentuhan, nagkakantahan at nagsasayawan narin, saka nagpakilala ang lahat.

Si Paris lang ang natatanging nagsuplado sa oras na iyun.

Nang siya na ang magpakilala, nagsuplado muna siya. Kailangan kase pagkatapos magpakilala ay kakanta ang sunod na gagawin

"I don't need to introduce myself. You're all are not that important to introduce myself with." Aniya kaya naman natahimik ang lahat, ngunit agad naman napalitan ng panibagong ingay dahil sa tawanan.

Dahil nasa usapan ang pagkanta matapos magkakilala, sinimulan naring kumata ni Paris.

The strands in your eyes

That colors them wonderful,

Stop me and steal my breath

Lahat tumahimik at nakinig sa pagkanta niya.

I'll be your cryin' shoulder,

I'll be love suicide,

I'll be better when I'm older,

I'll be the greatest fan of your life

May ilang mga sumabay sa pagkanta niya dahil alam nila ang lyrics kanta. Sumabay din ang tatlong kaibigan niya sa pagkanta. Kaya hindi mapigilan ni Paris ang mapangiti nang matapos siyang kumanta.

Ilang pakilala pa at kantahan ang nangyari. Hanggang sa kwentuhan nalang ang naganap.

Si Carris at Gesryl ay nakikipagsabayan sa pakikipagdaldalan sa iba, habang si Lietro naman ay tahimik lang — sasagot lang kung tinatanong o kailangan.

Overall, it's all a fun night.

Magkakatabi ang apat — palagi naman. Bali ang kanilang posisyon — Gesryl, Carris, Paris at Lietro, mula kanan pakaliwa.

Mayamaya'y nagsalita si Lietro sa kalagitnaan ng kwentuhan.

"This is great. . ."

Napatingin si Paris sa kanya nang nakangiti. "Oh yeah? Buti naisip kong mag-hiking tayo."

Patagong ngumiwi si Lietro. You said earlier na naisip natin, ngayon sinasabe mo na namang naisip mo lang. Anggulo mo! "We should do this more often, para naman mas makilala natin ang isa't isa."

Doon lang naman kase nila nalaman na may maganda palang boses si Gesryl. Kanina nang magpakilala ito, kumanta siya ng Another World ng The Vamps. Lahat sila napanganga ng sinimulan niyang kumanta. Sobra kaseng nakakakilabot dahil anglamig ng boses niya tas ang abot na abot niya ang pitch ng kanta.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now