CHAPTER 6

308 31 22
                                    

"Tabe!" Inis na tinapunan ng tingin ni Paris ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan niya. "Ampapanget niyo na nga, haharang harang pa kayo?"

Nagbubulong bulungan ang ilang estudyanteng dumadaan samantalang ang mga nakaharang naman sa dinaraanan niya ay napayuko nalang. Mga kababaihan ito, maliban sa isang lalake na maangas na nakatingin sa kanya.

Isa-isang nagsitabihan ang mga estudyanteng nakaharang, hanggang sa isang estudyante nalang ang natira sa gitna ng daan — maangas na nakatingin sa kanya. Ngumisi ito, nanghahamon.

Kumunot ng noo ni Paris. Is this stupid ass dude trying to deceive me?

Lumapit si Paris saka huminto sa harap nito. Tumingin muna siya dito sunod ay iniangat ang kanang kamay at iyon ay tinignan; ipinitik niya ang kamay sa maangas na paraan at tumingin sa lalaking nasa harap. "What is your name, huh?"

Ngumisi ang panget na lalake. Hindi nagpatinag sa presensya ng nasa harap. "Jon Vonn Jovi Elliano."

Nang-aasar na tumawa si Paris. "Jon Vonn—ano? Ikaw kumanta ng bed of roses?" Nang-aasar na pinakatitigan niya ang kaharap. "Kung ganun, pa-autograph naman, oh." Tikuktok niya pa ang noo nito.

Naramdaman ni Jon Vonn Jovi ang inis sa kaharap. Sobrang yabang talaga ng Paris na 'to! Akala mo pagmamay-ari niya ang school! Dahil sa inis na nararamdam ay bigla niyang binagsak ang nakasabit na bag sa balikat saka mabilis na sinapak sa mukha si Paris.

Dahil hindi nakabantay si Paris ay nasapol siya sa panga at muntikan pang matumba. Napaatras siya sa pwersa ng sapak na natanggap.

Nang makabawi ng balanse ay nanlilisik na tinignan niya ng masama ang Von Jovvi na'yun. Ngunit napatid din iyun nang agad ulit itong sumuntok, mabuti nalang at alerto na siya sa pagkakataong iyun kaya agad niya iyung naiwasan.

Dahil doon ay muntikang masubsob si Vonn Jovi, ngunit hindi iyun ipinalampas ni Paris. Nang nasa gilid na siya nito ay humakbang siya ng isang beses patungo sa likod nito at nang nasa likod na siya nito ay hinawakan niya ang likod ng mangas ng polo nito saka malakas na ibinalibag ni Paris si Jon  Vonn Jovi.

Sobrang lakas nun kaya napadaing ng malakas si Jon Vonn Jovi.

Napahandusay siya sa sahig.

Ngunit hindi pa nakontento si Paris at inapakan pa ang likod nito at tiniris na parang ipis. Malakas na daing lang ang sagot nito. Ang mga tsismusang estudyante naman ay nanunuod lang at walang nagtatangkang manggulo.

Si Lietro, na nanunuod ay may pag-alala sa mukha para sa lalaking iyun. Gusto niyang pigilan si Paris ngunit hindi niya na ginawa. Matagal na iyong ginagawa ni Paris sa paaralan — at alam niya ang ginagawa ni Paris kapag pinigilan niya ito, tulad ng ginawa niya dati. At hindi iyun maganda. Dahil mas nagiging wild si Paris, at mas nagwawala pa na pati babae ay binubugbog niya na. It happened once, at ayaw niya nang maulit pa.

While Carris, para siyang batang nanunuod ng Power Rangers habang pinapanuod ang eksena. May pasuntok-suntok sa ire pa siyang nalalaman.

Si Gesryl naman, boring lang na nakatingin sa kanya at paulit-ulit na bumubuntong hininga.

"You messed with the wrong guy, dude." Ani Paris habang tinitiris pa rin ang lalaking nakadapa gamit ang kanyang papa. Sobrang sakit niyun dahil sports shoes ang suot ni Paris at matigas ang yapakan nito. Daing lang ang naging sagot ng lalake. "Ayuko nang makita pa ulit yang panget na pagmumukha mo. Gets mo?"

Kahit hirap ay unti-unting tumango si Jon Vonn Jovi.

Mas diniinan niya pa ang pagtiris. "Huwag kang tumango. Sumagot ka!"

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon