CHAPTER 16

151 19 35
                                    

"Ges?" Pilit na iienspeksyon ni Paris ang mukha ni Gesryl, gusto niyang malaman ang reaksyon nito. "Nakadrugs ka rin ba?"

Seryoso si Paris nang tanungin niya iyon. Hindi alam ni Gesryl kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kung magtanong ito, ay seryosong seryoso.

Kanina, tumatawa ito. Ngayon naman, seryoso ito.

Hindi alam ni Gesryl kung matino pa ba ang pag-iisip ni Gesryl.

Kung sa bagay. . . Siya nga pala si Paris Cauldron, ang lalaking hindi naniniwala sa mga supernatural na mga bagay.

Pinalaki siya ng kanyang magulang bilang isang normal na tao.

Tinago ang totoo niyang pagkato. . .

Inilayo sa totoo niyang mundo.

Hindi alam ni Gesryl kung matutuwa siya sa mga oras na iyon dahil sa wakas, matapos ang anim na taon na pagtatago ng totoo niyang pagkatao kina Paris, Lietro at Carris, ngayon ay nasabe niya na ang totoo niyang pagkatao — kahit kay Paris man lang.

Ang hirap itago ang totoo mong pagkatao. . . Kung napamahal ka na sa taong pinagtataguan mo nito.

"Nagsasabe ako ng totoo, seryoso ako, Paris," seryosong paninindigan ni Gesryl sa sinabe niya kanina.

Kumunot ang mukha ni Paris, halatang hindi siya makapaniwala sa naririnig. Bumuntong hininga siya, muli ay ikinulong ang hangin sa bibig saka iyon ibinuga, umangat pa ang buhok na humaharang sa kanyang noo dahil sa hangin mula sa bibig, saka siya tumingin sa ibabaw ng mesang iyon, sa exotic na cactus na napapaligiran ng mga uod.

Huminga ito ng malalim at yumuko, "Okay. . ." Hindi kumbinsidong anito.

Pakiramdam ni Gesryl kinurot ang kanyang puso nang makita ang malungkot na mukha ni Paris.

Hindi siya madaling maapektuhan sa mga nararamdaman nang taong nakapaligid sa kanya. Pinalaki siya bilang isang protektor sa mundo niya, sinanay, at binihasa sa pakikipaglaban, pinaniwalang ang emosyon ay hadlang sa kanyang magiging misyon.

Kaya parang bato ang puso niya noong binigyan siya nang misyon na nasa labas ng kanilang mundo. . . Ngunit nagbago lahat ng paniniwala niya nang makilala niya si Paris at ang dalawa nitong kaibigan.

Kaya naman ngayong nakikita niya itong malungkot, hindi niya mapigilang naaapektuhan. Nakaramdam din siya ng lungkot.

Ano ang iniisip nito ngayon? Bakit hindi ito nagalit nang sabihin niya ang sekreto niya? Ang inaasahan ko, magagalit siya saken, sisigawan ako. . . Dahil nagsinungaling ako. Ngunit nagkamali siya ng inakala, dahil nanahimik si Paris at iniwas ang tingin sa mga kausap. Animong may malalim na iniisip.

"Rys, hindi ka ba magagalit sa akin?" Tanong ni Gesryl sa nag aalalang boses.

'Hindi mo kailangang ibalik ang Gesryl na kilala niya sa oras na ito.'

Gulat na narinig ni Gesryl ang boses ni Genoa sa kanyang isipan. Kaya napalingon siya dito

Matagal na mula noong may kumausap sa kanya gamit ang isip

Bakit? Gusto niyang itanong iyon pabalik sa isipan ng matanda, ngunit wala siyang sapat na kakayahan para magawa iyon.

Kaya kinunutan niya na lamang ito ng noo, upang maintindihan nito ang ibig niyang sabihin.

'Dahil isa ka niyang protektor, hindi kaibigan.'

Parang tinusok ng karayom si Gesryl nang marinig ang katotohanang iyon.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now