CHAPTER 10

205 25 20
                                    

"Whoah!"

"Jusko. . ."

"WOW. . ."

"Amazing. . ."

Different reactions has been seen nang makatapak ang mga ignorante sa lupa ng Palawan.

Kahit na may mga bagay naman sa Palawan na meron din sa Manila, tricycle is an example, ay namamangha pa rin sila at nagpapapicture — kase nga sa Palawan daw galing. Nagrenta sila ng masasakyan upang mabilis na makapunta sa Hotel na pwede nilang pagpahingahan habang nasa Coron, Palawan sila.

They are now in one of Coron's beach resorts. At mga dalampasigan, baybayin, villas at mga iba't ibang tao na ang nakikita ng kanilang mga mata. Tuwang tuwa sila sa nakikita, hindi dahil hindi pa sila nakakakita ng ganito, ngunit dahil sa Palawan ito. Actually, hindi na nila mabilang kung pang ilang beses na nila nakapunta ng beach, ngunit ngayon lang silang nagmukhang tanga kaka-picture sa bawat bagay na madaanan, especially tuwing may makita silang may nakasulat na "Welcome to Coron, Palawan!" Ay automatic na agad ang pag-click ng cameras nila.

Kanina pa pagod na pagod ang photographer na nirentahan nila dahil puro sila pa-picture! Masaya sila ngayon, eh.

Nang mapagod ay dumiretso na sila sa Hotel hindi kalayuan sa beach, and then nagbihis na sila ng mas simpleng damit — including Paris — para mas presko ang pakiramdam mamaya dahil napagdesisyunan nilang tumambay mamayang gabe sa tabi ng dagat, bahala na daw kung anong magagawa nila mamaya.

Tanghali na at kumain na rin sila. Sunod ay natulog muna sila dahil daw ika ni Paris, kailangan nilang makapagpahinga para mamaya, sumunod na rin sila na 'boss' nila kuno dahil ayaw nilang sumabog na naman ito.

Mamaya nalang daw nila sasabugin ito, kapag gabi na.

Hapon na mang magising sila. Nauna si Gesryl, siya na ang gumising kay Carris, at si Carris na ang gumising kay Lietro. Nagising  Paris mag-isa. As usual, nakangiti ang mokong.

Nasa iisang kwarto lang sila, isa lang ang inukupa nila para daw mas masaya.

Kaya nga iritang irita si Lietro dahil tuwing titingin siya sa kaliwa, stuff toy ni Barney ang nakalapag sa bedside table na pag-aari ni Gesryl. Tuwing titingin naman siya sa kanan ay stuff toy naman ni Picachu ang nakikita niya na nakalapag sa ibabaw ng maliit na drawer, na tinatawag ni Paris na 'favorite toy' kuno. Dinala nila ito kanina bago sila umalis, at ang mga mokong ay tinago ang mga stuff toys sa bag para daw 'surprise'. Mapapa-face palm ka nalang talaga!

Ayaw na ayaw kase ni Lietro ang stuff toys, and thanks to his friends na 'napaka-supportive' sa kanya.

"Uy guys! Tara na!" Sigaw ni Carris mula sa labas ng Hotel habang nakadungaw sa taas ng Hotel kung saan ang room nila matapos nilang kumain nang panghapunan. Nauna na itong lumabas dahil excited daw siyang maglaro ng tago-taguan.

"Matuto kang maghintay!" Sigaw ni Gesryl pabalik na nagbibihis pa mula sa third floor, binasa kase ni Paris ang beach shirt niya nang kumakain sila kanina. Paano kase, inasar niya na naman ito na masyado daw masakit sa mata ang beach shirt nito, kulay dilaw ba naman kase.

Sabay-sabay ding nagsibabaan mula sa third floor sina Paris, Gesryl at Lietro at tumungo sa dalampasigan, at dumiretso sa buhangin para umupo — tinabihan nila si Carris na kanina pa nakaupo.

Linya-linya silang nakaupo sa buhanginan, kaharap ang naglalampasong dagat na sobrang linaw. The fresh air, fresh smells, the people around playing, eating and relaxing, the view — everything is perfect.

Ang plano nilang gumawa ng mga kalokohan sa hapon ay nauwi sa panunuod ng dagat at pag-upo ng apat na oras sa buhanginan.

They don't know why. . . but one thing they knew, naeenjoy nila ang simpleng pangyayaring 'yun — especially that they're with their bestfriends.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz