CHAPTER 29

125 7 1
                                    

"HUHU, Ges! Gumising ka na! Huhu."

Napalingon si Gesryl kay Paris na kasalukuyang umiiyak, iniiyakan siya.

Siguro ay dahil sa nakalubog ang mukha nito sa kama kaya hindi nito napansin na gising na si Gesryl. Hindi naman kase umingay o kaya ay humiyaw ang mga nilalang sa loob ng kwartong iyon kaya hindi napansin ni Paris na gising na ito.

"Wake up now, huhu." Ngawa niya. Bahagyang iginalaw ni Gesryl ang braso na hawak-hawak ni Paris kaya natigilan ito sa pag-hagulgol at biglaang inangat ang tingin.

Saka gulat na napatingin kay Gesryl, unti unting nanlalaki ang mga mata at ang bibig nitong nakanganga. Saka ito sumigaw. "GEEEEES!"

Mabilis na niyapos ni Paris ng yakap si Gesryl, sobrang higpit na dahilan para mahirapan nang huminga si Gesryl.

Ngunit hindi ito tumigil sa pangyayapos sa kanya. "Thank God you're awake!" Madamdaming bulaslas nito. "Thank God.. thank God!"

"N-nasasakal ako..." Naisambit ni Gesryl nang hindi siya nito bitawan.

Kaagad namang natigilan si Paris at bumitaw sa pagkakayapak. "Oh, sorry... Hehe." Pinunasan nito ang basang mukha dahil sa luha kanina. Saka ngumiti. "Akala ko mamamatay kanang punggok ka!" Hinampas nito si Gesryl sa braso.

Napailing nalang si Gesryl. Exaggerated. "Hindi pa ako pwedeng mamatay..."

Nangunot ang noo nito. "...and why is that?" Pinagkrus nito ang braso at tumaas ang isang kilay.

Seryosong nagsalita si Gesryl. "Dahil may kailangan pa akong protektahan."

Nagsalubong ang kilay nito. "Sino 'yang pabayang 'yan at hindi magawang protektahan ang sarili, para kailanganin pa ng protekta ng iba, ha?" Nagtitiim pa ang bagang nito. "Makakatikim talaga 'yun sa 'kin ng batok!"

Natawa roon si Gesryl. Umiling siya. Ngunit hindi niya sinagot si Paris.

Dumako ang kanyang tingin kay Lietro na tahimik lang, ngunit nag-aalalang nakatingin sa kanya. "Ly..."

Tumaas ang dalawang kilay ni Lietro. "Hmmm?"

"A-ah... Wala."

Pinilit na bumangon ni Gesryl, ngunit napadaing siya nang maramdaman ang sakit sa kanyang dibdib.

"Shit! Wag ka muna gumalaw, anuba!" Sita sa kanya ni Paris saka ito dumungaw sa kanya at pinilit siyang ipahiga. Ngunit pinipilit niyang bumangon dahil nagmumukha siyang baldado sa harap ng lahat, at ayaw niya nun. "Ang kulit mo talaga, para kang ipis!"

Nagtawanan ang iilang sa kwartong iyon, ngunit nanatiling nakangiwi si Gesryl dahil medyo masakit pa rin ang dibdib niya.

Hindi ako mahina. Kailangan kong bumangon!

Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang humiga nalang dahil mapilit si Paris at nagagalit pa kapag gumagalaw siya.

"Subukan mo pang gumalaw, ako na mismo ang sasaksak sa'yo para matuluyan ka na talaga!" Nangigigil na banta nito nang subukan niyang gumalaw.

"Uupo lang nga ako, sasandal naman ako sa headboard para hindi ko masyadong mabigat ang pwersa ng dibdib ko, okay na boss?" Nakataas kilay na aniya.

Bumuntong hininga si Paris. "Fine! Umupo ka kung gusto mo! Bahala ka sa buhay mo!" Pikon na sabe nito sa mataas na boses saka nag-walk out sa kwartong iyon.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now