CHAPTER 8

241 29 17
                                    

Nakaupo si Lietro sa sofa sa loob ng bedroom niya na hindi kalakihan. Sakto lang sa pagdalawahang tao. Kalmado ang katawan, ngunit halo-halo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyun.

Kausap niya pa rin si Gesryl at itinatanong kung may alam ito patungkol sa librong ‘The Grimins’ Secrets’.

Kanina, habang pauwi siya sa bahay niyang hindi naman kalakihan — ngunit mamahalin ang materyalis na ginamit — ay muling nagpakita sa kanya ang nilalang na ngayon lang muling nagpakita matapos ang gabing iyun noong nasa condo unit siya ni Carris.

That creature na nagpakilalang Perious sa kanya.

FLASHBACK

Nasa harap na ng bahay niya si Lietro, kakababa niya lang mula sa kanyang kotse nang makita niya ang isang pigurang nakatayo sa harap ng kanyang pintuan.

Nasa harap ito nang kanyang pintuan, suot ang kulay itim na cloak nito at ang hood na nakababa. Kitang kita ni Lietro ang mahaba at maitim nitong buhok na sumisilay sa liwanag dahil sa repleksyon ng ilaw na nanggagaling sa light post hindi kalayuan sa kanyang bakuran.

Walang ilaw ang kanyang bahay, kaya't hindi niya maaninag ang reaksyon nito — madilim ang mukha nito likha ng madilim na paligid, ngunit may parting kita ang itsura nito dahil sa light post na iyun, kaya kitang kita niya ang nakangising mga labi nito.

Tulad noong una niya itong nakita, pinangambahan siya ng takot dahil nakakatakot talaga ang presensya nito — katulad ng kay Señorita Laura — ngunit hindi niya iyun ipinahalata. Kapag nakakitaan siya nito ng takot ay paniguradong gagamitin niyun ito upang masindak siya. Ngunit wala sa bukabularyo ni Lietro ang magpasindak.

“Anong kailangan mo?” Seryoso ngunit printing tanong niya.

Dahan-dahang naglakad ito patungo sa direksyon niya at huminto ilang metro ay layo sa kanya. Hindi nagkakalayo ang taas nila, ngayon lang iyun napansin ni Lietro dahil noong unang nagka-engkwentro sila ay nakalutang ito sa ire. Nang huminto ito ay bakas ang malakas na presensya nito sa paligid at animo'y ang buong paligid ay naging isang napakabigat na hangin.

Mula roon ay nakita niya ang kabuuhan ng mukha nito. Isa nga talaga itong babae, akala niya'y namalik-mata lamang siya noon.

“Wala akong kailangan sayo, taga-lupa.” Saad nito. Masyadong malamig ang boses nito, hindi mo masasabing babae ang nag-mamay-ari niyun kung hindi mo kikilatisin ng lubusan.

Kung taga-lupa ako, ano ka nalang? Taga-impyerno?” Paninindak ni Lietro. Kahit demonyo pa itong kaharap niya, hindi siya magpapatalo. Hindi ito si Zeus para magpatalo siya.

Tumawa ng malakas at nakakakilabot ang kaharap at sa uri ng pag-tawa nito ay maiinsulto ka. “Napahanga mo ako sa iyong angking tapang, taga-lupa. Tulad ka pa rin noong una tayong nagkita. Magaling," Mabagal na nagpalakpak ito habang diretsong nakatingin sa kanya ang mga matatalas nitong mata. “Ngunit mahina ka pa rin.”

Naglakad ito nang mas malapit sa kanya at nang nasa harap niya na ito ay inilapit nito ang mukha sa kanya at inilapit ang bibig nito sa kanyang kaliwang taenga at bumulong, “Hindi ikaw ang kailangan ko. Nandito ako upang babalaan ka. Sabihin mo na sa kaibigan mo ang nalalaman mo, kung hindi ay mapapahamak ang isa sa inyo.”

Kahit gusto nang mapaluhod ni Lietro sa lupa dahil nanlalambot na ang mga tuhod niya ay hindi siya nagpatinag at nanatiling nakatayo. Sumeryoso siyang lalo at nagsalita, “Sinong kaibigan ang tinutukoy mo?”

Lumayo ang mukha nito sa kanya at umatras muli saka tumawa ng malakas, nakakainsulto iyun pakinggan. Saka ito muling humarap sa kanya at sumeryoso ang mukha.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now