CHAPTER 18

142 16 12
                                    

This is hilarious. . .

Halos hindi kumurap ni Paris habang pinapanuod kong paano maglaban ang dalawang iyon.

Pinaiikutan ng malaking hayop na iyon ang nakaitim na lalaki at humahanap ito ng tsimpo upang lapain ang lalaki.

Ngunit alisto rin ang lalaki. Habang hawak niya ang wand at nakatutok ito sa kung saan man pupunta ang lobo, ay nanlilisik ang mga mata nito at nakaposisyon ang katawan, animong handa sa posibleng atake ng kalaban.

Singbilis ng kidlat na tinagkang lapain ng lobo ang lalaki. Ngunit agad na ginamit nito ang wand na nakatutok sa lobo at may biglang parang puting ilaw na bilog na lumabas sa dulo ng parteng kahoy na hawak at. . . Muntikan nang tamaan niyun ang lobo.

Nakaiwas ang lobo. Ngunit hindi nito nagawang malapitan ang lalaki.

Maaaring tinatantya ng lobong iyun ang sitwasyon, ganun din ang lalaking nakaitim.

Umikot na naman ang lobo at sinusundan siya ng tingin ng lalaki. Ngunit nagulat ang lalaki nang. . .

Bigla itong tumalon lampas sa kanya, at bigla itong napunta sa kanyang likuran.

Hindi nakabantay ang lalaking iyon.

Kaya agad ginamit ng lobo ang pagkakataong iyon at. . . Nilapa ang lalaki.

Saktong pagtalon ng lobo tungo sa lalaki, kaya naman natumba ang lalaki at napahiga sa lupa. . . Nasa ibabaw na nito ang lobo na diretsong nakatingin sa kanya, labas ang pangil nito, at handa na siyang lapain.

Kita ang takot sa lalaking iyon.

Halatang nanginig ito ng bahagya at. . . Hinihintay nalang ang kamatayan niya.

Ngunit nagulat ang lalaki, at pati na rin si Paris, nang umalis ang lobo mula sa paglakadagan sa lalaking iyon at. . .

Tumungo kay Paris.

Habang papalapit ito sa kanya, ay palakas ng palakas ang kabog sa kanyang dibdib.

Nararamdaman niyang, anumang oras, ay lalapain siya nito at. . .  Kakainin ng buhay.

Ngunit gayun nalang ang gulat sa kanyang nasaksihan ng biglang. . .

Iniyuko ng lobo ang kanyang ulo, at itiniko ang dalawang paa sa unahan nito at napagtanto ni Paris na. . .

Lumuluhod ito sa kanya.

Pakiramdam ni Paris ay nagsitayuan lahat ng balahibo sa kanyang katawan.

Hindi gumalaw si Paris kahit alam niyang maaari na siyang gumalaw dahil wala nang pwersang pumipigil sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa lobong iyon, pinapanuod kung paano ito itong umikot at tumalikod sa kanya — humarap sa lalaking nakaitim at itinuon ang atensyon doon. . .

Animong pinuprotektahan si Paris mula sa lalaking iyon!

Hindi alam ni Paris kung anong iaakto niya sa oras na iyon.

Nagawa nang tumayo ng lalaking nakaitim at. . . Ngumisi ng nakakaloko saka itinutok ang wand ng bahagya sa lobo.

"Hindi ko alam na mayroon palang nabubuhay na katulad mo sa mundong ito," Litanya nito at naghihimagsik na biglang itinira ang lobo gamit ang wand.

Dahil doon ay tinamaan sa bandang balikat ang lobo.

Umungol lang ito.

Ngunit hindi ito umalis sa kinatatayuan.

Hindi alam ni Paris kung bakit hindi nito sinalakay muli ang lalaking iyon at. . . Pinatay nalang!

Kanina pa kumukulo ang kanyang dugo sa lalaking iyon!

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon