CHAPTER 31

189 7 4
                                    

"BAGAY kayo ni Siannah." Mahina ang pagkakasabe nun ni Gesryl kaya naman hindi kinabahan si Paris na baka marinig iyon ng babaing iyon sa may gilid habang nakaupo ito sa sofa. Ngunit hindi pa rin nagustuhan ni Paris ang narinig.

Ako, bagay sa babaitang 'yan? Totoo?

Napatingin si Paris sa gawing silangan kung saan si Siannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa, kausap si Manong Ellias na hindi naman niya marinig marahil ay intensyon nitong pahinaan ang boses dahil hindi nila iyon pwedeng marinig. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Hmm.

Pinakatitigan niya ang babaitang iyon. Maputi, sakto ang katawan, itim at wavy ang mahaba nitong buhok, at nakasuot ng dark brown na roba na may kulay asul na kulay sa may parte ng balikat. Mukha siyang mangkukulam. Tch.

Napangiwi siya nang magtama ang tingin nila ni Siannah. Ngunit agad itong umiwas ng tingin. Saka nakangiting tumango kay Manong Ellias.

"Ano? Maganda, diba?" nakangising sabe ni Gesryl kanya.

"Ges..." Si Lietro, na kasalukuyang nagbabalat ng mansanas sa may gilid.

"What?" Dinig niyang maang-maangang sabe ni Gesryl dito.

"Shut up!" May diing sabe nito.

"Ba't naman?" Natatawang sabe ni Gesryl. Lumingon si Paris kay Gesryl saka sunod ay kay Lietro, kinunutan niya ng noo ang dalawa.

"Hindi na nga tayo magandang impluwensya sa pagiging babaero n'yan, gagatungan mo pa ang panget na ugali n'yan." Pagdidiinan nito sa sinabe na sumulyap pa sa kanya.

"Psh... Palibhasa wala pang nagiging girlfriend." Ngiwi ni Paris. Ngising ngisi naman si Gesryl habang si Lietro ay patuloy sa pagbalat ng mansanas.

"Shut up!"

"Shut down!"

"Stop it!"

"Nonstop it."

"Enough, Paris,"

"Never enough, Lietro."

Sinamaan siya nito ng tingin kaya naman natahimik siya. Tatawa-tawa lang si Gesryl sa gilid.

Magsasalita na sanang muli si Paris nang marinig nilang nagsalita si Manong Ellias, napalingon silang lahat dito.

"Lalabas muna ako." Nakatayo na ito habang sinisenyas ang pintuan. "May gagawin pa ako. Maiwan ko na kayo."

"Sige, maraming salamat. Pasensya na sa abala." Nakangiting sabe ni Gesryl dito.

Tumango ito saka naglakad na palabas... Sana. Ngunit nang napansin nitong hindi sumunod sa kanya si Limar ay salubong ang kilay ni Manong Ellias na tumingin sa Hardenero. "LIMAR!"

"Ha?"

"Labas na!"

"Ha? Bakit? Diba ikaw lang ang dapat lumabas kase may kailangan ka pang gawin?" Takang tanong ng Hardenero.

Nagsalubong nang husto ang kilay ni Manong Ellias. "Kailangan kita. Kaya bilisan mo na, labas na!"

"Ha? Bakit?" Kahit nalilito ay tumayo na rin ito saka nagpaalam sa lahat bago lumabas.

Nang makalabas na ang dalawa ay naiwan silang apat sa kwartong iyon. Si Paris, Gesryl, Lietro at Siannah.

Awkward Silence.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن