CHAPTER 4

446 32 15
                                    

Thank you for adding this story to your reading list, VentreCanard!

***

INIS NA IMINULAT ni Paris ang mga mata. Papungay pungay syang tumingin sa paligid.

Ack. My head hurts.

Hinawakan niya ang gilid ng ulo niya saka iyun ipinilig. Para itong hinihiwa ng kutsilyo. Nang mapagtanto kung bakit sumasakit iyun, doon niya lamang naalala ang mga kaganapan kagabe.

Oo nga pala. Si Mama. Tch.

So, nasaan ako ngayon? Ang natatandaan niya ay nasa bar siya kagabe, kasama niya ang barkada niya bago siya nawalan ng malay.

Iinikot niya ang paningin; mula sa kama niya patungong isa pang kama; tables na nakalagay sa dapat na kalalagyan; bintana na may glassdoor; walls na kulay puti at itim na may nakasabit na litrato ni barney; sunod ay ang bathroom na kasalukuyang nag-iingay. Saka mga pintuans (maraming pintuan, kaya may 's')

Tch. Nasa condo ako ni Gesryl.

Sa labas palang siya ay dinig niya na ang pagbuhos ng tubig sa shower room. Tumungo siya sa comfort room na katabi nito, dumiretso sa sink at naghilamos.

Ilang hilamos pa ang ginawa niya, nang maramdamang medyo gumaan na ang naramdam ay saka siya tumigil. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa tabe at pinunasan ang mukha. Saka siya tumungo sa banyo at basta na lang pumasok.

Natagpuan niyang naliligo si Gesryl doon; hubo't hubad.

"Bakit mo 'ko dinala rito?" Walang paligoy ligoy na tanong niya dahilan para mapatalon pa si Gesryl sa gulat.

"Jusko! Punyemas ka, Rys. Ginulat mo 'ko!" Napahawak pa ito sa dibdib. Ang isang kamay nito ay hawak ang sabon.

Walang emosyong tinignan niya ang kaibigan na ubod sa kakornihan.

"Bakit mo 'ko dinala rito?" Pag-uulit niya sa tanong niya. Baka nabingi na eh.

"Hindi ka namin pwedeng dalhin sa mansyon niyo dahil alam naming may problema kayo ng mama mo." Mahabang sabe nito saka nagpatuloy sa pagliligo.

Inikot ni Paris ang mata, kulang na lang ay lumuwa na iyon.

Lumabas na si Paris at dumiretso sa bedroom. Anglaki kase ng unit na'to. Hindi na ito ang unang beses na nakapunta siya rito, kaya alam na niya ang pasikot-sikot dito gayong napakalaki ng espasyo nito.

Habang papunta siya sa sala ay naalala na niya naman ang sagutan nila ng kanyang ina kahapon ng hapon.

At naalala niya na naman ang pag-udlot ng lakad niya patungong Palawan. Dahil doon ay napabusangot siya.

Nilibot niya ang buong unit at nang makita ang sala ay tumungo siya doon.

Busangot na binuksan ni Paris ang fridge saka kumuha makakain at umupo sa table; binuksan ang TV sa sala; saka nagsimulang kumain.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya nakitang pumasok sa sala si Gesryl, nakadamit na ito. Ngunit ang buhok ay magulo at medyo basa pa.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now