CHAPTER 9

215 25 22
                                    

Napabuntong hininga ng malalim si Gesryl. Andito pa rin siya sa loob ng unit ni Carris, nakatingin sa mahimbing na natutulog nitong pigura.

Hindi niya nabuksan ang libro, Gesryl thought.

Kanina niya pa pinatay ang tawag mula kay Lietro. Alam niyang natakot din ito sa posibilidad na pwedeng mamatay ang isang ordinaryong nilalang kung nabuksan man ang librong iyun — pwedeng mamatay si Carris. Kahit siya ay gan'un din, natakot. Mabuti naman at walang nangyari.

Thankfully, at sinabe ni Carris kung ano ang passcode nito nakaraang araw kaya't nabuksan niya kaagad ang unit nito.

Napangiti si Carris. Pinag-alala mo akong mokong ka!

Ni minsan hindi pumasok sa isip niya ang posibilidad na andito sa mundong ito ang libro'ng iyun. Papaano napunta sa mundong ito ang librong iyun? Papaanong nasa condo niya iyun? Papaanong nasa unit pa ni Carris natagpuan, at bakit hindi iyun agad sinabe nina Lietro at Carris sa kanila ni Paris?

That book is sacred to all Grimins, at ang totoo niyan — iilan lang sa mga Grimin ang may kakayahang buksan ang libro. Except to ordinary people — lahat sila ay may kakayahang buksan ito kapag nahulaan nila ang code; pero ang kapalit n'un... Ang buhay nila.

Nagsimulang naglakad si Gesryl sa maingat na paraan at sinimulang hanapin ang libro sa bawat sulok ng kwarto; sa drawer, sa cabinet, at kahit saan na posibleng pagtaguan ni Carris ng libro; hanggang sa nakita niya ito sa ilalim ng unan na kinahihigaan ni Carris.

Agad niya iyong kinuha sa maingat na paraan upang hindi magising si Carris, inilapag niya sa kama banda sa ibabang parte nito, at pinakatitigan.

Napailing-iling siya, "Kailangan kitang ilayo sa kanila. Delikado kang libro. . ."

Kinuha ni Gesryl ang relo na nakapulupot sa kanyang kaliwang kamay, tinanggal ito mula roon at hinawakan sa waistband. Saka niya ipinitik ng konti, hanggang sa naging pantay at matigas ang waistband ng relo, at unti-unting naging isang parte ng kahoy — a wand.

Itinatago niya ang kanyang wand sa lahat sa pamamagitan ng pag-didisguise nito bilang isang relo.

Itinutok niya ang wand  na hawak niya sa libro, saka bumulong upang hindi siya marinig ni Carris.

"Siriastus!"

Umilaw ang dulo ng wand at unti-unting napalibutan ang malaking libro ng makapal na usok; at nang mawala ang usok ay isa na itong maliit na libro. A handbook size.

Napangiti si Gesryl, "Hello there, mini book."

"El figlio!" Bulong niyang muli. Habang nakatutok ang wand sa libro ay unti-unti itong lumutang at lumapit sa harap ni Gesryl, saka ito hinawakan ni Gesryl ng mahigpit. "Itatago muna kita, at kapag pinayagan na akong makabalik sa Grimeo — ibabalik kita."

Sa huling pagkakataon, sinulyapan niya si Carris na mahimbing na natutulog — may konting laway na tumutulo sa labi nito — saka siya pumihit palabas ng unit na iyun. At salubong ang kilay na dumiretso sa kanyang special suite at doon itinago ang librong iyun.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now