CHAPTER 28

106 5 2
                                    


Malapit na matapos ang book one nito. Sana naenjoy niyo ang istorya.

Heh!

***

"Perious?"

Kumalabog ang dibdib ni Gesryl nang maaninag sa kanyang bintanang may glass door ang nilalang na nakasagupa na niya noon sa mundo ng Grimeo.

Mabilis siyang tumungo sa bintana at agad binuksan ang glass door niyon, saka dumungaw sa labas.

Ngunit wala siyang nakita.

Nanatili pa siya roon ng ilang minuto, dahil alam niyang hindi siya namamalikmata kanina. Talagang nakita niya si Perious. . . one of the most dangerous witch in the world of Grimeo!

NO WAY! Paano siyang narito sa mundong ito? May mga bantay sa lagusan sa pagitan ng Grimeo at Earth, pero bakit ito nakalusot?

Isa si Perious sa mga witch na kinakatakutan sa Grimeo dahil sa dami ng mga hindi magandang bagay ang nagawa nito roon. Matunog rin ang pangalan nito roon dahil tinuturing na kaaway ng Magic Council si Perious sapagkat gumagamit ito ng itim at ipinagbabawal na mahika!

Ipinapahuli si Perious ng Magic Council dahil roon, ngunit dahil sa lakas nito ay hindi ito magawa gawang mahuli. Palagi itong natatakasan ang mga tumatangkang humuli rito.

Kaya ganoon nalang ang kaba sa dibdib ni Gesryl nang maaninag niya ang pigura nito dito sa mundo ng mga Rego.

Natigil sa pag iisip si Gesryl nang may marinig siyang hakbang papasok sa unit.

Pagharap niya ay gulat siya sa nakita.

Si Lietro!

Anong ginagawa niya rito?

Hindi niya agad naramdaman ang presensya nito. Siguro ay dahil sa pagiging abala sa pag iisip patungkol kay Perious.

"A-anong ginagawa mo dito sa unit ko, Ly?" Kinakabahang tanong ni Gesryl. Bakit ito narito pa rin? Paano kung totoong narito si Perious at atakihin si Lietro?

"Ibabalik ko yung susi ni Paris?" Kunot noong saad ni Lietro. Sa uri ng boses nito ay parang hindi ito sigurado sa sasabihin.

Sinuri ni Gesryl ang mukha ni Lietro. Ngunit nang walang nakitang kakaiba rito ay isinawalang bahala niya ang pagpasok nito ng basta basta sa unit niya.

Siguro ay may nakalimutan nga nito na ibalik ang susi ni Pari kaya ito bumalik.

Isinara ni Gesryl ang glassdoor ng bintana. Sunod ay mabilis na nilapitan niya si Lietro.

"Akin na." Naiinip na sabe niya. Kailangan niyang paalisin agad si Lietro. Hindi ito pwedeng magtagal rito, baka sakaling narito nga si Perious, at makita ito ni Lietro. Hindi pa handa si Gesryl na magpaliwanag sa kanyang pagkatao...

Ibinigay ni Lietro ang susi ni Paris kay Gesryl. Agad iyong kinuha ni Gesryl.

"Sige, alis nako, Ges." Paalam ni Lietro, mabilis na tumango si Gesryl.

Umalis ka na, Ly....

Naglakad na si Lietro palabas ng unit, sumunod si Gesryl hanggang sa double door, at nang iksaktong nasa labas na si Lietro ng door ay kaagad na nginitian siya ng pilit ni Gesryl saka niya agad na pinagsarhan ito ng pinto.

Nang magsarado ang pinto ay mabilis na bumalik ang salubong na kilay ni Gesryl at agad na bumalik sa glass door. Sinulyapan niya sa huling pagkakataon si Paris na tulog sa isang kama, saka siya nagdisesyong buksan ang glass door.

Dumungaw siya. Sinuri ang paligid. Kinakabahan siya ng bahagya. Ramdam niya... naroon lang si Perious sa paligid.

Nang walang makita ay isasarado na sanang muli ni Gesryl ang glass door ng bintana... nang biglaang maaninag niya sa ibaba ang pigurang may itim na suot.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now