CHAPTER 5

394 33 20
                                    

KASALUKUYANG nakaupo sa backseat si Paris, sa loob ng ducati niya. Napagdesisyunan na niyang umuwi na, dahil baka kung ano pa ang masabe sa kanya ng kanyang ina kung hindi pa siya umuwi.

Ngunit dahil sobrang supportive ng mga kaibigan niya — sasama daw ito. At magi-stay daw sila sa mansyon ni Paris ng ilang oras, para kahit papaano ay hindi daw siya masyadong sabunin ng ina niya pagkauwi niya. Sabado na rin naman daw at walang pasok. Hindi sila hahanapin ng mga magulang nila. Sa katunayan ay nagpaalam na sila dito, through text messages and calls, at pumayag naman daw. Pero si Carris, mukhang hindi yata nagpaalam, dahil tahimik lang ito nang tanungin kong nagpaalam ba siya.

Hindi na rin naman nakatanggi si Paris, dahil kahit ano'ng gawin niya — alam niyang sasama at sasama ang mga ito.

Kilalang kilala niya ang mga kaibigan niya. Ganyan sila katigas!

"Huwag kayong maingay, matutulog ako. Kapag narinig ko ang mga nakakairitang boses niyo at nagising ak, iisa isahin ko kayong palalabasin sa kotse ko. Gets niyo?"

Isa-isa niyang tinignan ang mga kasama niya.

"Yes, boss." Wika ni Carris na katabi niya, sa backseat din nakaupo.

"Yes, master." Sumaludo pa si Gesryl kay Paris nang humarap siya dito. Nasa shotgut seat ito.

Hindi umimik si Lietro na kasalukuyang nasa driver seat. Ito ang magda-drive ng Dulcati ni Paris. Ang kotse ni Lietro ay nasa parking lot ng Condo ni Gesryl, nakalock ito at sigurado naman silang hindi mananakaw dahil mataas ang security doon.

Ibinaba ni Paris ng konti ang itaas ng seat at saka siya nahiga doon, ipinikit niya na ang mga mata habang ang dalawang braso ay nakapatong sa kanyang ulo.

Sinimulan na ring maniubrahin ni Lietro ang sasakyan patungong Mansyon nina Paris.

Isang oras na ang nakalipas nang maabutan sila ng Traffic. Wala namang intetesting na nangyari kaya bored na bored ang tatlo.

Ngunit nang limang minuto na silang naghintay at hindi pa rin umuusad; dahil sa aksidenteng nangyari sa unahan ay nagkaroon ng pagkakataon si Gesryl na magtanong.

"CARRIS, matanong nga kita." Biglang sabe ni Gesryl. Tumalikod siya at hinarap si Carris. Ang kanyang dalawang braso ay nakasandal sa headboard ng seat.

"Go." Bored na sagot ni Carris, kasalukuyan nitomg iniikot-ikot ang buhok ni Paris na tulog na mula kanina pa.

"Bakit ka nga pala nasa Condo ko?"

"Trsh." Inismira niya si Gesryl at tumingin din dito. "Eh, ano naman ngayon?"

"Bakit ka nga nagrent? Diba sabe mo kagabe ikaw yung nag-book at si Lietro naman ay naki-unit lang sayo." Nag-tsked si Gesryl.  "Eh, alam mo namang ang mahal mahal ng renta doon, ah? Ang alam ko kase, kuripot kang hayop ka. Eh, bakit parang angdali nalang sayong magwaldas ng pera ngayon?"

Kung magsalita si Gesryl, akala mo isa siyang detective na nagtatanong sa isang suspect. Bawat detalye ay inaalam.

Umiwas ng tingin si Carris. "Trip ko lang."

Iniusod ni Gesryl ang katawan patungo kay Carris at sinubukan itong sapukin, umiwas si Carris. "Anong trip? Anong trip? Wag mo akong pinagloloko, Carris, ha. Hindi mo ugali ang gumastos, paalala ko lang." Halatang hindi sang-ayun si Gesryl sa sinabe nito.

"Eh, yun nga yung totoo, eh. Ba't hindi ka maniwala?! Inis na tinignan siya nito.

Pinanlakihan niya ito ng mata, sunod ay tumingin aiya kay Lietro na nakikinig lang sa kanila; habang nagdo-drawing ng kung ano sa manobela gamit ang daliri. "Narinig mo yun, Ly? Bakit hindi daw ako naniniwala? Ha!"

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now