CHAPTER 33

70 6 0
                                    

"Shit!" Bulaslas ni Gesryl nang bigla niyang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran niya. Kanina ay hindi pa iyon malala, pero ngayong hindi na siya nakikipagbuno ay unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto ng mga tira ni Perious na hindi niya nasasangga kanina.

"You're so stupid, Ridmus!" Dinig ni Gesryl na bulaslas ni Lucas na ngayon ay inaalalayan siyang tumayo. Nang makatayo na siya ay hindi pa rin bumitaw si Lucas sa pag-alalay sa kanya.

"That's enough," aniya saka winalis ang kamay ni Lucas sa kanyang braso at sinubukang tumayo mag-isa. Nang naramdaman na niyang kaya niyang tumayo kahit wala ang tulong ni Lucas—kahit medyo mahirap dahil mas sumasakit na ang tagiliran niya—ay naglakad na siya patungo sa kinaroroonan nina Lietro.

"Rid..."

Natigil sa paglalakad si Gesryl nang tawagin siya ni Lucas. Ngunit nanatili siyang nakatalikod rito. Hindi niya magawang harapin si Lucas, dahil baka mag-init ang ulo niya rito at kung ano pa ang magawa niya.

"Please..." Bakas ang pagmamakaawa sa boses ni Lucas na nagpa-irita kay Gesryl.

Huminga nang malalim si Gssryl saka humarap. "Ano na naman, Lucas? Di ka ba nasasawa na pahirapan ako?"

Natigilan si Lucas. Ngunit napalitan din ng kyuryusidad ang ekspresyon nito ilang segundo lang ang makalipas. "Anong pinangsasabe mo? Pinapahirapan kita? Sa anong dahilan, Rid?"

Napapahid si Gesryl ng kamay sa bibig dahil sa inis. "Di mo ba alam na ginagawa mo yun ngayon, ha? Yan! Yang ginagawa mo ngayon, pinapahirapan mo ako dahil dyan!"

"Anong ginawa ko ba para mahirapan ka?"  Bakas na rin ang inis sa boses ni Lucas. "Rid, ginagawa ko ang lahat para makita ka ulit! Kaya wag mo naman sabihing pinahihirapan kita ngayon, dahil hinding hindi ko iyon gagawin sayo!"

"Fúck you!" Ani Gesryl sabay sinugod si  Lucas at kinuwelyuhan. "Lucas, yang concern mong yan ang nagpapahirap sakin! Hindi kita kayang saktan dahil dyan!" Inis na bulaslas ni Gesryl sabay bitaw kay Lucas. Napadura si Gesryl nang dugo sa sahig matapos nun. Ngunit ngumisi lang siya. Saka siya muling humarap kay Lucas. "Matapos mong tangkaing saktan si Paris, matapos mong tangkaing patayin ang kaibigan ko, ngayon lalapit-lapit ka sakin? Ang kapal naman ng mukha mo! At yan, dahil dyan sa concern mo, hindi kita magawang gantihan!"

Sandaling hindi nagsalita si Lucas. Nang tignan ni Gesryl ito sa mata ay bakas sa mata nito ang mga luhang namumuo rito.

Pathetic.

"Rid, ginawa ko yun dahil galit ako kay Paris—though pinagsisihan ko na yun ngayon. Ginawa ko yun dahil ang laman lang ng utak ko pagtapak dito sa mundo ng mga Rego ay ang makita ka at maging kaibigan muli,tapos malalaman ko nalang, may iba ka nang kaibigan? Tatlo pa! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan doon!" Kahit desidido ang ekspresyon ni Lucas ay kitang kita ni Gesryl ang sakit sa boses nito.

"Tanga ka ba? Four years! Four years akong wala sa Grimeo, tapos iisipin mo wala akong kakaibiganin na iba dito sa mundong 'to? Hindi ako loner tulad mo!"

"Loner?"

"Oo, loner! Loner—palaging mag-isa. Charan! New word para sayo, welcome to the world of Regos!" Sarkastikong sambit ni Gesryl rito.

Ngunit imbis na mainis ay ngumiti lang si Lucas sa kanya. "Ang akala ko kase, Rid, tutuparin mo 'yung pangako mo sakin e. Totoo nga ang sabe nila, promise is just a word."

Sa sinabing iyon ni Lucas ay nakaramdam nang guilt si Gesryl.

Hindi niya nagawang magsalita sa oras na iyon.

Ngumiti lang si Lucas. "I guess, our friendship officially ends here." Lucas starts chanting his wand and black smokes appears around him.

"But always remember, Rid..." Lucas voiced out lowly, ngunit sapat na iyon upang marinig ni Lucas. "I'm always on your side."

Saka biglang naglaho si Lucas.

But Gesryl still stands there, unmoving. Sa mga oras na iyon ay bumalik sa isipan ni Gesryl ang ala-alang muntik na niyang makalimutan.

FLASHBACK

"Rid, aalis ka na talaga?" Bakas sa tono ni Lucas ang lungkot. "Hindi ba pweding wag ka nalang tumuloy? O kaya, sumama nalang ako, ano?" Biglang buhay nang dugo ni Lucas. "Oo, tama, sasama ako sayo!"

"Hindi pwede, Barn!" Malungkot na sabe niya rito. "Hindi papayag ang Magic Council."

Muling nalungkot si Lucas. "Kung ganun, matagal bago tayo magkitang muli."

Napatingin siya kay Lucas. Nakayuko ito, sinisipa ang maliit na bato sa harap nito. Pareho silang nakaupo sa isang kahoy na upuan na pahaba.

Sa oras na iyon ay nakaramdam si Ridmus nang awa sa kaibigan.

"Uy! Wag ka nang malungkot," aniya rito saka pinaharap si Lucas sa kanya. "Ganito nalang, para hindi ka malungkot, ipapangako ko nalang sayo na kahit magkalayo tayo sa isa't isa, ikaw lang ang ituturing kong kaibigan!"

Umaliwalas ang mukha ni Lucas. Ngumiti ito nang matamis. "Talaga?"

"Oo." Ngumiti rin siya.

"Yehey!" Anito at niyakap nang mahingpit si Ridmus, yumakap rin siya pabalik. Saka siya nito sinuntok nang pabiro sa tagiliran. "Ipapangako ko rin sayo na ikaw lang ang ituturing kong kaibigan."

Kumalas sila sa pagkayakap. Nakangiti na ngayon si Lucas nang magtama ang paningin nila. "Best friends forever?"

Itinaas nito ang kamao na nakasarado. Itinaas rin ni Ridmus ang sariling kamao saka sinuntok nang mahina ang kamao ni Lucas. "Best friends forever."

END OF FLASHBACK

"Ges!"

Nanumbalik ss reyalidad si Gesryl nang marinig ang boses ni Lietro.

"Ayos ka lang ba?" Biglang tanong nito, nag-aalala, nang makalapit sa kanya.

"Hmm." Maikling tugon niya, saka pumihit na papunta kina Manong Elias. "Tara na, napagod ako e, hehe." Sabay pilit niyang ngiti.

Tumango lang si Lietro at hindi nagtabong pa.

Sabay silang pumunta kay Manong Elias. Nang makarating sila ay hindi na nagulat pa si Gesryl nang makita ayos na ang sasakyan na ginamit kanina nina Lietro.

"Manong Elias..." Aniya kay Manong Elias na tumango lang sa kanya. Nang hinfi niya makita si Limar ay sinuri niya ang paligid, saka niya ito natagpuan sa parte ng lote kung saan may mga casualties na nabasag dahil sa gulo kanina. Gumagawa ito ng engkantasyon para maibalik sa dati ang mga gamit. Hindi na tinawag pa ni Gesryl ang pangalan nito upang hindi magulo ang engkantasyon nito.

Nang pinagbuksan ni Lietro si Gesryl nang pintuan ng sasakyan ay agad na pumasok si Gesryl sa shotgun seat. Sumunod naman ito na pumasok sa driver's seat. Si Manong Elias ay dumiretso kay Limar at tinulungan sa engkantasyon nito. Ilang minuto lang ay parehong pumasok sina Manong Elias at Limar sa sasakyan, saka sila umalis sa lugar na iyon. Walang nagsalita ni isa sa kanila. Mabuti na iyon dahil nakapag-isip isip si Gesryl patungkol sa mga sinabe sa kanya ni Lucas kanina.

Lucas...

Babawi ako sa'yo.

***

So, I'll change my pen name hehe. From Book Ni Cloud to Darkalus.

Darkalus
23 | March | 2022

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now