CHAPTER 7

244 29 15
                                    

“Barney, what do you think will happen tommorow?

Nakaangat ang tingin ni Gesryl sa malaking picture frame na nakasabit sa wall ng unit niyang iyun; at ang malaking litrato ng isang hindi niya alam kung lizard ba o buwaya, na kulay violet ang balat at green ang tiyan, ang bumubuo sa picture frame na iyun.

It was Barney.

Nakahiga siya ngayon sa kanyang king size bed, nakatingala at tinititigan si Barney, kinakausap na animo'y sasagot sa kanya.

“Ano kayang mararamdaman ni Paris kapag nalaman na niya ang mga sekreto sa lugar na iyun?" Bumuntong hininga si Gesryl. “Magagalit kaya siya? Maiinis? Magwawala o iiyak? Knowing that dude, baka hindi iyun maniwala.”

Hinihintay ko 'tong mangyari. Pero ngayong mangyayari na, parang gusto niya nang umurong.

Mas nilaliman pa ni Gesryl ang buntong hininga at lumungkot ang mukha.

Napalapit na siya kay Paris, pati na rin sa mga kababata nitong sina Carris at Lietro. It's been six years years nang naatasan siyang gumawa ng isang misyon — at doon niya nakilala ang apat. He was attached to those dudes, at natatakot na siyang kapag nalaman nito ang totoong pagkatao niya, baka katakutan siya nito.

Hinintay niya ito, matagal na. Ang malaman ni Paris ang tunay nitong pagkatao.

Ngunit kasabay naman niyun, ang pagsisiwalat rin ng kanyang pagkatao. . .

Na maaaring maging dahilan para maging iba ang turing nito sa kanya. Mahalaga na rin ang turing ng dalawa pa nitong kababata sa kanya, sina Carris at Lietro.

Alam niyang darating ang araw na ito, ngunit kung noon ay wala siyang nararamdamang takot na malaman nito ang totoo niyang pagkatao — na hindi siya isang normal na tao — ngayon ay natatakot na siya.

Paano kung layuan nila ako? Paano kung iisipin nilang hindi siya isang tunay na kaibigan dahil nagsinungaling siya noon pa man? Alam niyang maaaring si Lietro ay maging bukas ang isipan, ngunit paano ang dalawa?

Lietro Calling. . .

Bumalik sa reyalidad ang isipan ni Gesryl ng tumunog ang phone niya. Dumapa siya at inabot ang phone na nasa bedside table at pinakatitigan ang pangalan ng tumatawag.

Lietro Calling. . .

Sinagot niya ang tawag. “Ly? Napatawag ka?”

“Uhm, Ges...” May bahid pagiging pag-aalala ang boses nito. Kaya kinutuban si Gesryl.

“What is it, Ly? May problema ba?” Nag-aalalang tanong niya. Papaano kung mayroong hindi magandang nangyari? Paano kung inatake siya nito ni Perious?

Imposeble iyun! Kumalma ka.

“May hindi ako sinasabe sayo. . .” Tulad kanina, may bahid din ng pag-alala ang boses nito. Ngunit ngayon ay mas naging lahad ang pag-aalala.

“A-ano yun?” Kinakabahang tanong niya. Naupo na siya sa kama at kinukuskos ang bedsheet sa gilid niya.

“Naalala mo noong sabado? Noong nalaman nong nakitulog ako sa unit ni Carris?” Bakas sa boses nito na may gusto itong ipahiwatig. Ngunit hindi iyun alam ni Gesryl kung ano.

“Oh? Oo. Naalala ko.” Inaalala niya iyun. Ang unang beses na nakita niya si Perious sa mundo ng mga tao. Paano niya iyun nalilimutan? Eh, ilang araw siyang hindi pinatulog nun ng matino?

“Naalala mo noong nagkita tayo noon sa elevator? Noong natagpuan mo akong aakyat ng third floor.” Idinetalye nito ang pangyayare nang gabing iyun. “May patago-tago pa kami ni Carris sa iyo sa condo, nahuli mo rin pala kami kalaunan. Hays!” Ani pa nito na napatawa pa dahil sa biro, pinapagaan ang atmosphere ngunit alam ni Gesryl na hindi iyun umobra.

Nang hindi umimik si Gesryl ay ipinagpatuloy ni Lietro ang pagsasalita. “Actually. . . that night. . .”

Batid ni Gesryl na mukhang hindi na nito itutuloy ang sasabihin, maaaring naisip nitong hindi magandang sabihin iyun. Ngunit gustong malaman ni Gesryl kung ano ang bunabagabag sa loob ni Lietro.

Tungkol na iyun sa natagpuan niya noong gabing iyun? Aaminin ba ni Lietro kung bakit kausap niya si Perious noong gabing iyun?

Aaminin mo na bang pinagsisinungalingan mo rin sina Paris at Carris, Ly? Gustong sabihin iyon ni Gesryl, ngunit hindi niya ginawa.

Tulad niya, alam din niyang pinapahalagahan din nito ang kaibigan niya. At tulad niya, alam niyang hindi rin nito gustong sabihin ang sekreto. Hindi niya alam kung anong sekreto nito, ngunit nasisiguro niyang meron.

Since that night na natagpuan niyang nakipag-usap ito kay Perious, palagi na niyang binabantayan si Lietro. Kahit pa nga nasa bahay na ito nito, sinusundan pa rin niya ito.

Paano siya naging kalmado habang kaharap ang nilalang na lumulutang sa ire?

Kaibigan ang turing niya dito. Ngunit kapag nalaman niyang may kaugnayan ito kay Perious, hindi niya alam kung anong magiging desisyon niya kung dumating ang araw na iyun.

Sana nga. . . nagkamali lang ako ng hinala.

Namumbalik ang isipan ni Gesryl nang narinig niyang muli ang tinig ni Lietro.

“Ges,” There's uneasiness in his voice, Gesryl noticed. “Noong nasa loob kami ng unit ni Carris, may ipinakita siya sa akin. . . isang libro.” Pagkuwento nito na ikinakunot ng noo ni Gesryl.

Libro?

“It looks like not ordinary — for me,” Dinig niya ang paghinga nito. “Gusto ko sanang sabihin agad sa iyo, ngunit hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon. Dahil natuon ang atensyon ko sa hindi-ko-alam-kung-ano na palaging sumusunod sakin since noong gabing iyun—”

That was me.

“But, mukhang kailangan ko na itong sabihin sa'yo ngayon. . . Dahil baka may nalalaman ka patungkol doon.” Ang alam kase nina Lietro, Carris at Paris ay psychic ang ina ni Gesryl nang ma-meet nila ang ina ni Gesryl once noong nakatapak sila sa Mansyon nina Gesryl sa France, dahil sa suot nitong pang-psychic ang datingan. Iyun na rin ang sinabe ni Gesryl — na psychic nga ang ina niya — para hindi na itong magtanong. Of course, that's a lie.

Huminga ng mamalim si Lietro at muling nagsalita. “That book entitled The Grimins' Secrets.”

“That book entitled The Grimins' Secrets.”

“That book entitled The Grimins' Secrets.”

“That book entitled The Grimins' Secrets.”

Nagpaulit-ulit sa pandinig ni Gesryl ang huling sinabe ni Lietro. No way! It can't be.

Bumilis ang kaba sa kanyang dibdib at nanaig ang takot niya para sa mga kaibigang may hawak nito.

No way!

Please tell me hindi nila iyun nabuksan.

***

2020 | CLOUD | JUN24

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt