CHAPTER 15

155 21 41
                                    

SHORT UPDATE!

***

Nguguluhang umupo si Paris sa silya na kinauupuan niya kanina bago siya nahimatay, nasa harap niya na naman ang isang exotic na cactus na pinaliligiran ng mga uod.

Eww, anas ni Paris sa isip niya nang pakatitigan ang mga uod na iyon.

Parang deja vu lang ang pangyayare, dahil dito rin siya kanina nakaupo sa kinauupuan niya, sa kabilang silya naman na kaharap niya ay nakaupo rin ang matandang babaeng wirdo.

Ang pinagkaiba lang, kasama nila ngayon ni Gesryl, na printing nakaupo sa isa pang silya na hindi niya alam kung saan nanggagaling, dahil bigla na lamang itong lumalabas mula sa sahig!

"Paris Cauldron," Anas ng matandang babaeng tinatawag ni Gesryl na Genoa matapos ang mahabang katahimikan na namutawi sa paligid. Tumingin si Paris sa matanda, "ninanais kong maging mahinahon ka sa mga bagay na iyong matutuklasan."

Taimtim lang na pinakikinggan ni Paris ang matanda.

"Sana ay kapag naipaliwanag na namin sa iyo ang iyong mga katanungan, saka mo lamang ilalabas ang iyong sama ng loob, kung mayroon man." Pagpapatuloy nito. "Nais ko sanang malaman mo muna ang iyong dapat malaman, bago ka humusga at gumawa ng hindi magagandang bagay, nagkakaintindihan ba tayo?"

Kahit sumasakit ang ulo ni Paris sa uri ng pananalita ng matandang ito, ay tumango pa rin siya. "Okay. . ." Aniya kahit hindi niya naiintindihan ang pinangsasabe nito. "But I can't promise," dagdag niya pa na kinakunot ng noo ng matanda.

Tumingin sa kanya si Gesryl, seryoso pa ito mula pa kanina pa. Nawiwirduhan na rin si Paris sa kaibigan niya.

Pagkapasok palang nila mula sa kwartong ito ay naging seryoso na ito at hindi umiimik. Si Gesryl pa rin ba talaga iyon? O baka pinasukan ng ng masamang elemento?

Bumalik sa reyalidad si Paris nang magsalita ang matandang babae.

"Magbigay galang ka sana sa akin kahit ngayon lamang, Paris Cauldron!" Medyo tumaas ang boses nito.

"Bakit kita igagalang, hindi naman kita kilala," Pabalang na sambit ni Paris, "You're just a dumb old woman trying to be a magician. For I know, gumagamit ka lang naman ng magic tricks sa mga magic-magic mo!"

Hindi alam ni Paris kung bakit ganun ang ugali niya. Basta basta na lang siya sumasagot ng pabalang kapag may hindi siya nagustuhang salita mula sa kausap. Hindi niya mapigilang sumagot ng pabalang. Hindi niya alam kung bakit.

Sa unang pagkakataon, narinig ni Paris ang boses ni Gesryl sa loob ng kwartong iyun.

"PARIS!"

"WHAT?!" Inis na binalingan niya si Gesryl, "Nagsasabe lang naman ako ng totoo! Saka, hindi naman yan nakakaintindi ng English eh, panigurado!" Sabay turo niya sa matandang babae. Humarap si Paris pabalik sa matanda, "Am I right, Old Woman?!"

"One more unpleasant word from you and I'll cut your precious gem."

¿(°o°)?

Hindi alam ni Paris kung saan siya magugulat. . .

Sa katotohanang nagsasalita at nakakaintindi ng English ang matanda. . .

O sa pag nguso nito sa gitna ng kanyang hita na tinutukoy nitong 'precious gem' niya na puputulin daw nito!

"WHAT THE-- NO!" Sabay takip niya ng bagay sa gitna ng kanyang hita. "Fine! Nakakaintindi ka ng English? Eh di wow!" Bulaslas niya. "But. . . Don't cut my precious gem!"

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now