CHAPTER 25

119 9 0
                                    

"Bakit ka nandito?"

Tanong na iyan agad ang bumungad kay Gesryl paglabas niya pa lang ng taxi. Pumunta siya sa mansyon nina Paris, at ngayong nga ay sinalubong na agad siya nito ng tanong.

"Masama na bang pumunta rito ha?" Pabalang na aniya. Namewang siya. "Ang aga-aga, sumusuplado ka kaagad."

"Tch." Tumalikod si Paris sa kanya at pumasok sa mansyon nila, sumunod naman siyang umiling iling. Nginitian pa ni Gesryl ang guwardiyang nagbabantay sa front gate.

"May kailangan ka?" Panimula ni Paris matapos ang mahabang kahatimikan sa pagitan nila. Nasa sala na sila ngayon, sa centre table.

"Pa-kape-hin mo muna ako," Anas ni Gesryl. Hindi man lang kase ito nagpakape.

"Magtimpla ka, hindi ka espesyal na bisita." Anas ni Paris saka muling nag-scroll sa phone na hawak.

Siniringan ni Gesryl si Paris, ngunit tumayo rin siya at tumungo sa kusina. Bumungad sa kanya si Manang Honey na nagluluto. "Hello, manang," Anas niya, ngumiti naman ito pabalik. Luminga muna si Gesryl sa pintuan, sinigurado niyang wala si Paris at hindi nito maririnig ang usapan, saka siya nagtanong. "Wala parin kayong balita kay Señorita Laura?"

Umiling lang si Manang Honey. Napabuntong hininga nalang si Gesryl. "Si Ellias, may balita ba?"

Pinatay ni manang Honey ang stove at humarap kay Gesryl. "Hindi niya sinasabe," mahinang litanya ni Manang Honey. "Ngunit alam kong alam niya kung ano'ng nangyayare ngayon kay Señorita Laura."

"Hindi ba alam ni Señorita Laura ang nangyayare sa anak niya?!" Sinusubukang hinaan ni Gesryl ang boses niya kahit naiirita siya. "Nasa paligid lang si Perious, at anumang oras pwede nitong atakihin si Paris! Bakit wala siyang ginagawa?!"

Hinawakan ni Manang Honey ang magkabilaang balikat ni Gesryl. "Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa utak ni Señorita, ngunit batid kong may tiwala siya sa'yo, sa kakayahan mo, kaya niya ipinagkakatiwala sa'yo si Paris, dahil alam niyang kaya mong protektahan ang anak niya." Sabe nito.

"Pero hindi sa lahat ng oras, kasama ko si Paris!"

"Kaya nga narito si Ellias sa mansyon, diba?" Ani Manang Honey dahilan para matigilan si Gesryl at mapaisip. "Sige na, bumalik ka na doon kay Paris. Baka mag-isip pa 'yun ng kung ano-ano." Pagtatabuy ni Manang Honey kay Gesryl. "Alam mo namang exaggerated mag-isip ang batang 'yun!" Dagdag niya dahilan para pareho silang matawa ni Gesryl.

Tumango naman si Gesryl. Aalis na sana siya nang maalala niya ang ipinunta niya sa kusina.

Nagtimpla siya ng kape, saka siya bumalik sa sala at naupo sa upuang nasa harap ni Paris na kasalukuyang nagdudotdot ng iPhone nito.

Sumimsim si Gesryl ng kape, saka siya nagsalita. "Mag-training ka."

Natigilan ng bahagya si Paris sa ginagawa, saka inangat ang tingin kay Gesryl. Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano'ng training? Basketball training? Football training? Psh, I don't need to train anymore, professional na'ko sa larangang 'ya—"

"Wizarding training. . ." Putol ni Gesryl dahilan para matigilan si Paris.

Natahimik si Paris ng ilang segundo, saka bahagyang tumawa. "Okay. . . Naniniwala na'ko sa'yong wizard ka, or salamangkero, or whatsoever you called it, pero bakit idadamay mo ako sa kalukuhang 'yan, ha?" Anas ni Paris.

"Don't you remember? Sabe ko sa'yo nakaraang linggo, kinakailangan mong mag-training para maprotektahan mo ang sarili mo at mga taong nasa paligid mo, diba? Di mo na natatandaan 'yon?"

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now