CHAPTER 26

90 6 0
                                    

"Bakit mo sinapak?!" Nilingon ni Gesryl si Lietro at hindi makapaniwalang nakatingin dito.

"Wala na akong ibang maisip na paraan para hindi niya makita ang mga mangyayare,"

"Eh 'di sana hinayaan mo nalang na makita niya," Inis na sabe ni Gesryl.

"Seriously?! Paano kung nakita niya si Perious, ha? I know you didn't tell yet Paris about her, ain't I?" Si Lietro, hindi agad nakasagot si Gesryl.

"Fine!" Walang magawang sabe ni Gesryl at gigil na iniliko ang sasakyan sa isang makitid na eskenita dahilan para mapakapit si Lietro sa headboard, si Paris na tulog naman ay napahiga na sa seat.

Hindi na lingid sa kaalaman ni Gesryl na kilala ni Lietro si Perious. Noong gabi ng Acquiantance Party, bago pa man sila makarating ng campus, ay sumulpot sa harap ng sasakyan nila si Perious. Si Gesryl at Lietro ang magkasama noon, kaya naman pareho silang walang nagawa kundi ang lumabas ng sasakyan at kausapin ito.

'Yun ang gabi kung kailan nalaman ni Lietro na kilala rin ni Gesryl si Perious, ngunit hindi iyon ang gabi kung kailan niya nalaman na hindi ordinaryo si Gesryl. It was when. . .

"PUNYETA!" Malakas na mura ni Gesryl at agad na pinihit ang break ng sasakyan.

Muntikan pang mauntog si Lietro sa headboard ng seat na nasa unahan niya, si Paris naman ay nag-iba na ng posisyon.

"Ano'ng nangyare?" Si Lietro, nakatingin kay Gesryl.

"Nasa harap ng sasakyan si Lucas!" Gigil na ani Gesryl at inis na binuksan ang wing ng driver's seat at agad na lumabas saka iyon isinara.

Nag-aalalang nilingon ni Lietro si Paris. Hindi niya pwedeng iiwan ito sa sasakyan, ngunit kailangan niyang alamin kung ano'ng nangyayare sa labas.

Tumingin siya sa unahan ng sasakyan, kitang kita niya ang likod ni Gesryl dahil nakatalikod ito sa sasakyan, ngunit hindi niya makita kung sino ang kausap nito.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya si Paris. . .

Saka nagdesisyong lumabas ng sasakyan at iniwan si Paris sa loob.

Pumunta siya sa tabi ni Gesryl at salubong ang kilay na tumingin sa tinutukoy ni Gesryl na Lucas.

Kulay itim ang suot nitong cloak, naka-hood, ang suot nitong damit sa loob ng cloak ay itim rin, dark brown ang mga mata, at nang ibaba ni Lietro ang tingin, napansin niyang may hawak itong parte ng kahoy na hindi lingid sa kaalaman niyang isang wand.

Napangisi si Lucas. "Nagsama ka ng kaibigan?" Aniya kay Gesryl saka ainuri si Lietro. "Akala mo ay malakas ka, pero mukhang hindi mo ako kaya nang mag-isa," ang tingin niya ay kay Lietro, ngunit si Gesryl ang kausap niya.

"Lucas, bakit mo ba 'to ginagawa?" Walangbuhay na sabe ni Gesryl kaya napalingon sa kanya si Lucas.

Bahagya itong tumawa saka tumungo sa gilid ni Gesryl at inilapit nito ang bibig sa taenga niya. "Dahil kailangan kong patayin si Paris. . ."

Dahil sa narinig ay agad na inilayo ni Gesryl ang taenga sa bibig nito saka pumihit patalikod at sinipa mula sa likuran si Lucas.

Tinamaan ito sa kanan nitong pisngi.

Bahagyang lumayo si Gesryl kay Lucas at umatras ng kaunti, malapit sa sasakyan, ngunit si Lietro ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan kanina.

"Don't you dare!" Galit na aniya kay Lucas saka ginawa ang dahilan kung bakit siya lumayo ng kaunti. . . Kinalas ang relo at ibinalik sa dati nitong anyo na isang wand.

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now