CHAPTER 21

142 11 1
                                    

Mas detailed po ang chapter na'to. Gagawin ko ding detailed ang mga susunod pang chapters. Sana okay lang sa inyo. (•-•)

ACQUAINTANCE PARTY

Part Two.

***

Bagot na tinignan ni Paris ang sarili sa malaking salamin na nasa tokador sa loob ng kanyang kwarto.

Bumuntong hininga siya at inayos ang necktie na suot at walang emosyong tinititigan ang sarili sa salamin.

Hindi siya excited para mamaya.

Nasa ganoon siyang posisyon nang marinig niyang bumukas ang pintuan at iniluwal noon si Manang Honey, nakangiti ito kay Paris nang makita ang alagang suot ang isang amerikana at gwapong gwapo sa buhok nitong clean cut na maayos na nakasuklay.

"Señorito, gusto niyo bang tulunga ko na kayo diyan?" Tanong nito habang naglalakad palapit kay Paris.

Alam ni Manang Honey na hindi marunong si Paris magtali ng necktie, kaya naman sinubukan na niyang pasukin ang alaga. At tama nga siya ng hinala, dahil naabutan niyang magulo ang necktie nito pagpasok niya.

Hindi umimik si Paris, ngunit alam ni Manang Honey na kailangan nito ng tulong — kaya minabuti niyang lumapit sa alaga at sinimulang ayusin ang necktie nito, inayos niya iyon sa tamang paraan ng pagtali, at nakangiting pinakatitigan ang gwapong binata sa salamin matapos niyang ayusin ang necktie nito.

"Ang gwapo-gwapo talaga ng alaga ko," Nakangiting anito sabay kurot sa pisngi ni Paris, kung mayroon mang may lakas ng loob dito sa mansyon na gawin iyon, si Manang Hone iyon. "Kaya maraming babae ang napapaiyak, eh," Dagdag niya pa sabay hagikgik.

Ngunit parang walang narinig si Paris, dahil naka-poker face lang ito at diretsong tinititigan ang sarili sa salamin, hindi man lang kakikitaan ng excitement sa katawan! Anubayan!

"Ihahatid ko na kayo sa labas, Señorito," Magiliw na suhestyon ni Manang Honey, hindi naman umimik si Paris, pero tumango ito kaya naman inalalayan na ni Manang Honey ang kanyang alaga na pumunta sa labas ng kanilang mansyon.

Nakangiting inihatid niya si Señorito Paris hanggang sa front gate ng mansyon, ngunit agad nawala ang ngiting iyon nang iharap niya sa kanya si Paris at kinausap, "Paris, alam kong may problema ka, pero hindi ito ang araw para isipin 'yun, sa ngayon ay magpakasaya ka at i-enjoy mo ang buhay, dahil hindi mo mamamalayan na darating ang araw na tatanda ka na at hindi mo na ito mararanasan pa." Mahinanong aniya, ngunit parang kinurot ang kanyang puso nang makita ang malungkot na mga mata nito. "I-enjoy mo ang araw na ito, hijo, nang sa gayun ay hindi mo pagsisisihan sa huli, okay?"

Hindi umimik si Paris.

Bumuntong hininga siya, "Paris, alam kong may mga bagay na hindi nating gustong mangyare, ngunit mangyayare pa rin. Kaya naman palagi tayong natatalo ng kapalaran at napaglalauran, ngunit nasa saatin iyon kung paano natin harapin at labanan," Litanya niya, nakita niyang nakikinig sa kanya si Paris, kaya nagpatuloy siya. "Walang taong perpekto, Paris, lahat tayo nagkakamali, lahat tayo may nagagawang mali, nasasaatin nalang iyon kung paano tayo babawi," Nginitian niya ang kanyang alaga na nakasama na niya magmula noong bata pa ito, "Yung mga taong nagkamali sayo, bumabawi naman diba?"

Pumasok sa isipan ni Paris kung paanong sinusubukan ni Gesryl na bumawi sa kanya.

Noong pagkauwi nila galing sa Palawan, agad itong tumawag pero hindi niya sinagot, kaya naman nagmessage ito sa kanyan ng, 'I'm sorry, Paris. Sana mapatawad mo ako.'

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now