CHAPTER 20

143 11 0
                                    

ACQUAINTANCE PARTY

Part One.

***

Nagising si Gesryl mula sa mahabang tulog.

Naaalimpungatan siyang kinukusot ang mata. May kung ano sa kanyang isipan na bumubulong na bumangon, ngunit masyado siyang antok para doon.

Sinubukan niyang abutin ang phone na nasa bedside table, nang tignan kung anong oras pa lamang, nakusot ang noo niya nang makitang alas tres pa lang ng madaling araw. Masyado pang maaga para gumising, anang isip niya. Bukas ay kailangan niyang pumasok, dahil hindi pwedeng umabsent sa araw ng acquaintance party.

Isang linggo na mula noong pumunta sila ng Palawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinikibo ni Paris. Kaswal lang kung kausapin siya nito, parang walang nangyare sa Palawan kung umakto, pero ramdam mo ang pagiging malamig ng turing nito pagdating kay Gesryl.

Mabuti naman ang tungo nito, ang kaso nga lang ay parang naging bato ito nang dumaan ang araw. Para itong batong walang emosyon, hindi na nito nginingitian o sinusungitan ang mga babaeng bumabati sa kanya, bagkus ay hinahayaan nalang nito at nilalampasan. Hindi iyon gawain ni Paris, ang Paris na kilala niya ay mainitin ang ulo!

Bumangon si Gesryl mula sa kama at antok na tumungo ng banyo para maghilamos. Kapag ganitong nagising siya ng madaling araw, hindi na niya magawang matulog muli.

Ngunit habang naghihilamos siya ay may narinig siyang kalabog mula sa kanyang kwarto. Hindi siya kinabahan doon, kung magnanakaw 'yun, madali lang naman iyong kalabanin.

Tinapos niya ang paghihilamos, pinunasan ang mukha gamit ang malinis na tuwalya at lumabas ng banyo. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa pintuan, at sinusubukang hindi makagawa ng ingay, dahil kung magnanakaw iyon, maaaring nasa palagid lang iyon.

Maliwanag ang kanyang kwarto, dahil hindi niya pinapatay ang ilaw tuwing natutulog siya, ngunit kung sakali mang mag magnanakaw, makapagtatago ito dahil marami itong pwedeng pagtaguan — kabilang na ang ilalim ng kama.

Sinusubukan niyang maging alesto, ngunit ilang minuto pa niyang sinubukang makiramdam, ngunit wala na siyang naramdaman na presensya sa loob ng kwartong iyon.

Bumuntong hininga siya at nahilamos ang mukha. Mukhang antok pa yata ako.

Naglakad na siya patungong kama at mauupo na sana sa gilid nun nang mapansin niya ang isang piraso ng papel sa sahig, medyo kusot ito, dinampot niya iyon.

Ang ganun na lamang ang pagtaas ng presyon sa kanyang katawan at pagbilis ng kanyang tibok ng puso dahil kinakabahan siya para sa posibleng mangyare.

Ridmus,

Ihanda mo ang iyong sarili bukas. Dahil bukas na bukas din, ay makikita mo kung paano masaktan ng lubusan at maghinagpis ang isa sa iyong mga kaibigan.

PS. Take care baby. I'm wishing you luck!

Lucas


Tiim bagan na nilukot ni Gesryl ang piraso ng papel na iyon at inis na itinapon iyon sa kung saan.

"Walanghiya ka, Lucas! Huwag na huwag mong gagalawin ang mga kaibigan ko!" Inis na litanya niya sa hangin, animong maririnig iyon ni Lucas. "Kung hindi ay sinusumpa kong hindi ka na sisikatan pa ng araw!"

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now