CHAPTER 17

155 17 14
                                    

Warning: Heavy emotions ahead!

***

Pinunasan ni Paris ang tumulong luha kanina dahil sa prustrasyon na nararamdaman niya.

Kalalabas niya lang nang kwartong iyon at ngayon ay naglalakad-takbo siya sa isang dim na pasilyo. Hindi niya alam kung saan ang daab palabas, ngunit patuloy lang siyang naglalakad-takbo. Diretso naman ang pasilyong iyon kaya't hindi mahirap na maghanap ng lalabasan.

Nadaanan niya pa ang pasilyo na may mga rebolto ng mga hayop na sobrang weird ngunit hindi niya iyon pinansin, dahil lumilipad ang isip niya.

Naglalakad-takbo siya habang ang kanyang isipan ay tumatakbo rin. . .

Ano'ng sabe niya? Ang ipinakilala niyang magulang sakin ay mga wizard at witch? Nagmula ito sa Grimeo? Nagmamagic-magic ito kaya tuwing gumagawa siya ng gulo ay inosente siya sa paningin ng iba, kahit hindi naman talaga? IMPOSIBLE!

Kahit imposible ang mga pinangsasabe nito, pinilit niyang manahimik at hindi magsalita, pinilit niyang intindihin ang sinasabe nito — nalungkot pa siya nang bahagya kanina nang mapagtantong pinagsisinungalingan siya ni Gesryl! Hindi niya inaakalang ganun karami ang sekreto nun!

Simula noong kasama niya ang mga kaibigan niya, including Gesryl, ni minsan hindi siya nagsinungaling sa mga ito! Lahat alam nila patungkol kay Paris! Hindi siya marunong magsinungaling, dahil ayaw niyang dumating ang araw na siya ang pagsinungalingan. . . Ngunit matagal na palang dumating ang araw na iyon! Bullshit!

Pinilit niyang inintindi ito — handa na siyang maniwalang totoo ngang may mahika ito, totoong isa itong Grimin na sinasabe niya. . . Ngunit nang marinig niya ang pagmamanipula nito sa kanya. . . Hindi niya natantsa ang sarili niya at sumabog na siya!

Ayaw na ayaw niyang pinapakialaman ang takbo ng buhay niya!

Ayaw na ayaw niyang minamanipula siya!

Dahil iyon ang ginagawa sa kanya ng kanyang ina!

NGUNIT BAKIT GINAWA RIN IYON NI GESRYL?!

At ano'ng sabe nito?! Ginagawa niya iyon mula pa nang magkakilala sila?!

Ito ang pumipigil sa kanya, gamit ang mahika nito, para hindi siya makapunta sa Palawan tuwing tinatangka niya?!

Kaya pala. . . Now he understands kung bakit noong tinangka niyang pumunta ng ilang beses, hindi natutuloy!

Si Gssryl pala ang may gawa!

At ang rason nito, ay dahil alam nito na ayaw ng kanyang ina na tumuloy siya? ALL THIS TIME, KILALA NITO ANG INA NIYA? Kung hindi nito kilala ang kanyang ina at ganun na lamang kung gumawa ito ng paraan upang hindi siya matuloy sa pagpunta sa Palawan, sa anong dahilan naman bakit siya nito piniigilang pumunta ng Palawan?!

Paniguradong kilala nito ang kanyang ina!

Nasabe ng matandang babaeng iyon sa kanya kanina na isang mangkukulam ang kanyang ina. . . Sa una hindi siya naniniwala, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumbinsido dahil gusto niyang marinig iyon mula sa ina niya, ngunit unti-unti na siyang nakukumbinsi nang nanumbalik sa isipan niya kung paanong umakto si Gesryl tuwing nasa harap nito ang kanyang ina!

Kaya pala hindi man lang ito kakikitaan ng takot tuwing nasa harap nito ang ina niya. . . Dahil kilala niya ito!

That intimidating aura of my mom . . . Bakit hindi man lang ito naaapektuhan? He asked that before, now he got an answer. . . and he didn't expect it.

BULLSHIT!

And for most, tulad ng pagmamanipula sa kanya ng ina niya, kailangan alam nito ang ginagawa niya, kung saan siya pumupunta, kung ano'ng dahilan bakit pumunta siya sa lugar na iyon, kailangan alam nito kung sino ang mga taong nakasalamuha niya, kailangan ipagbigay alam niya kung sino ang mga kasama niya tuwing may pupuntahan siya. . . At kung hindi niya iyon sundin ang mga binilin nito, puputulin nito ang credit cards niya. . . Ha! Malayo nga sa kanya ang ina niya, ngunit nagagawa siya nitong kontrolin!

Paris Cauldron: The Origin [COMPLETED]Where stories live. Discover now