Mitch POV
Habang nasa klase kami ay hindi ko maiwasan lumipad ang isip ko sa nangyari kanina.
I'm sorry Rheem.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sa 'kin ni Jai
"Oo" sagot ko
Bigla pumasok sa isip ko ang araw na magkasama kami ni Jai sa mall.
Flashback.
Nandito kami ngayon ni Jai sa may park. Nakaupo sa may bench, Kumakain kami ng fries na binili namin sa Mcdo.
"Salamat nga pala Mitch dahil sinamahan mo ako" sabi niya sa 'kin habang nakatingin sa mga bata naglalaro
"Sana naranasan ko maki-paglaro sa iba" sabi ni Jai "Ka edad nila" tukoy niya sa mga bata
"Bata pa lang kasi ako na hindi ako pinapayagan lumabas ng bahay" kwento niya sa 'kin
Magkaiba kami ni Jai, lagi ako pinapayagan nila Mom at Dad, maglaro sa labas ng bahay.
"Baka daw kung anong mangyari sa 'kin"
"Ang dami kong hindi naranasan sa kabataan kung bata lang ulit ako, pwede kong gawin ang mga bagay na 'yon"
Patuloy lang siya sa pagkwento. Habang ako naman ay nakikinig.
"Madalas din akong tuksuhan ng mga kaklase ko kasi boring daw akong tao"
Hindi naman ako nagsasalita.
"Hay tinawagan ko nga pala si Phia ang totoo niyan, dapat kasama din natin siya kaso magkasama sila ni Henz" paiiba niya
"May tanong ako sa 'yo?" Sabi ko
Agad naman siya lumingon sa 'kin.
"Ano 'yon?" Takang tanong niya
"Bakit ayaw sa 'yo nina Nida, Rheem at Lei?"
Agad naman siya natigilan sa tanong ko.
"Bakit hindi maganda ang pakikitungo nila sa 'yo?"
"Naiinggit sila sa 'kin" sabi niya
Naiinggit? Saan naman sila naiinggit?
"Naiinggit sila dahil mas close ninyo ako kaysa sa kanila"
"Mas na una ninyo sila naging kaibigan kaysa sa 'kin"
"Kaya, bakit ako ang naging ka-close ninyo kaysa sina Rheem, Lei at Nida?"
"Sila ang may kasalanan kung bakit lumalayo ang loob namin ni Phia sa kanila, hindi ikaw" sabi ko
"Mitch" sabi ni Jai
"Walang ibang ginawa si Rheem, kung hindi intindihin ang boyfriend niya habang sina Nida at Lei naman ay, walang ibang ginawa kung hindi ang mag-inis"
"Silang tatlo pare-parehas lang sila ng ugali..ang ugali nila, wala silang iniisip kung hindi ang sarili lang nila"
"Hindi ko 'to sinasabi para lang pagaanin ang nararamdaman mo, nagsasabi lamang ako ng totoo"
"Gaya ng lagi kong sinasabi sa 'yo, intindihin at pagpa-sensyahan mo na lamang sina Rheem, Nida at Lei"
"Basta tandaan mo na lagi lang kami nandito ni Phia"
"Salamat Mitch" ngiting sabi ni Jai
Ngumiti ako at pinagpatuloy namin ang pagkain.
End Flashback.
BINABASA MO ANG
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...