Chapter. 41

62 8 0
                                    

Mitch POV

Kararating ko lang sa bahay galing sa bahay nila Phia.

Hindi kami pwede matulog sa bahay nila Phia dahil may pasok kami bukas at baka mapuyat pa kami.

Nandito ako sa sala ngayon. Nagsa-soundtrip.

Wala ang parents ko ngayon, si Kuya naman na kila Phia.

Miss niya daw kasi si Phia.

"Senyorita, may naghahanap po sa inyo" sabi ng isa naming katulong

Lumingon at tumayo naman ako.

Wala naman akong inaasahan na bisita.

"Nasa gate?" Tanong ko

"Yes po" sagot niya

Pumunta na ako sa gate at binuksan ng guard.

Nakita ko si Neth nakatayo at nakasandal sa kotse nila.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

"Miss na kasi kita" bulong niyang sabi

Bakit pakiramdam ko kumportable ako sa kanya?

Bakit parang umiinit yata ang pisngi ko?

Bigla ko naalala 'yong sinabi ni Nida at Rheem.

Kumportable ka kapag kasama mo siya.

Kinikilig ka sa mga kilos at sa sinasabi niya.

Inalis na ni Neth ang yakap sa 'kin.

"Miss mo na rin ba ako?" Ngiting tanong ni Neth

"Medyo" sabi ko

"Medyo lang?" Ngusong sabi niya

Parang pato siya sa itsura niya hahaha.

Napangiti naman ako.

Pumasok sa isip ko yong sinabi ni Jai.

Mapapatawa ka niya sa itsura, sa mga sinasabi niya o kahit simpleng gawa niya.

"Napangiti kita" masayang sabi ni Neth

"Masaya ako na napangiti kita" dagdag na sabi ni Neth

"Saglit lang" sabi sa 'kin ni Neth

Pumunta siya sa kotse at may kinuha na flowers.

Inabot niya sa 'kin.

"Para sa 'yo" ngiting sabi niya sa 'kin

Tinanggap ko naman.

Pangalawang beses niya na ako binibigyan ng flowers.

Napangiti ulit ako.

"Salamat" ngiti kong sabi

"Hindi tuloy ako sanay na ngumingiti ka" sabi ni Neth

"Ayaw mo ba ako ngumingiti?" Inis kong sabi

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, hindi lang ako sanay, kasi lagi ka nakasimangot para lagi ka may problema" paliwanag ni Neth

"May plano ka ba papasukin ako sa bahay ninyo?" Inis na sabi ni Neth

"Kanina pa kasi ako nakatayo dito" dagdag na sabi ni Neth

Napaka-reklamador naman nito.

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now