Chapter. 30

72 14 0
                                    

Henz POV

Nandito kami ngayon sa garden.

Lunch na kasi at tapos na kami kumain, kaya dito kami dumiretso.

"Bakit ang sama ng mukha mo?" Natatawang tanong ni Rone

Maka-sama naman 'to.

"Hindi kami sanay na sad ka" sabi ni Yssa

"Broken hearted ako" malungkot ng sabi ko

Wala pa akong isang linggo na nanliligaw kay Mitch.

Broken hearted na agad.

Nakakainis talaga, Sa dinami-daming pwedeng ligawan ni Galax si Mitch pa ang naisipan.

"Broken hearted ka? Bakit?" Takang tanong ni Ry

"Boyfriend na ni Mitch si Galax"

Napalingon naman sila sa 'kin. Lahat na ginagawa nila, tinigil muna.

K A T A H I M I K A N

Mga ilang segundong katahimikan.

Na biglang mag-salita si Ry.

"Anong sabi mo?" Tanong ulit ni Ry

"Boyfriend na ni Mitch si Galax" seryosong sagot ko

"Kailan pa?" Tanong ni Nate sa 'kin

"Kaninang umaga lang daw"

"Sino ang nag-sabi sa 'yo?" Tanong ni Yssa

"Si Phia" sagot ko

"Sa 'yo sinabi, dapat sa 'kin kasi ako ang boyfriend niya" sabi ni Ry

"Hayaan mo na ang mahalaga ikaw ang mahal niya" ngiting sabi ni Rone

"Anong plano natin?" Tanong ko sa kanila

"Bantayan si Mitch" sabi ni Tri

Napalingon naman kami sa kanya.

May gusto ba siya kay Mitch?

Kapag si Mitch ang usapan bigla-bigla na lang siya nag-sasalita.

Katulad noon pumunta kami sa park.

Flashback.

Nandito kami sa park, Nag-yaya kasi si Ry.

Wala akong chance kung hindi ang pumayag. Manliligaw lang ako kapatid naman ni Mitch si Ry.

Kung hindi lang nag-yaya si Ry edi sana na solo ko si Mitch.

Pinapanood ko lang si Mitch.

Iyong ibang mga kasama namin nag-bike. Kami na lang nina Jai, Rheem, Tri, Mitch at ako. Nakaupo kami sa blanket.

Tumayo sina Mitch at Tri, umupo sila sa isang bench. Sa ngayon ay mag-katabi na sila.

Tsk kailangan talaga iisang bench sila umupo.

"Selos" sabi ni Jai

Hindi ko naman siya pinansin.

Nag-desisyon na ako umupo sa tabi ni Mitch.

Gitna na namin ni Tri si Mitch.

"Mitch" tawag ni Tri kay Mitch

Hindi ka papansinin ni Mitch.

Habang nakatingin kami sa paligid.

"Oh?" Mitch

Sumagot si Mitch.

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now