Chapter. 45

55 10 0
                                    

Mitch POV

Tatlong araw ang nakalipas.

Katatapos lang namin mag-lunch naisipan namin na tumbay dito sa field.

Hindi namin kasama ang mga boys dahil mayroon daw silang pag-uusapan.

"Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga boys?" Tukoy ni Lei kila Neth

"Chismosa ka talaga" asar na sabi ni Nida

"Curios lang" ngusong sabi ni Lei

Lumingon naman ako kay Rheem na tahimik lang na nakaupo.

"Guys" tawag sa 'min ni Phia

Tumingin naman kami kay Phia.

"Kaibigan niyo ba ako?" Tanong ni Phia

Bakit naman niya na itanong?

"Oo" sabi ni Lei

"Oo, kahit pagong ka" ngising sabi ni Nida

Kumunot ang noo ni Phia sa sinabi ni Nida.

"Pagong? A turtle" sabi ni Phia

Ngumiti naman si Nida.

"Kailan pa ako naging pagong? Aber" inis na tanong ni Phia

"Simula na pinanganak ka" asar na sabi ni Nida

"Excuse me" inis na sabi ni Phia

"Tumigil na kayo" sabi ko

"Tsk!" Sabi ni Phia

"Ikaw Mitch, Kaibigan mo ba ako?" Tanong sa akin ni Phia

"Yeah" tipid kong sagot

"Ikaw Rheem, kaibigan mo rin ba ako?" tanong ni Phia

"Yes" sagot ni Rheem

"Ikaw Jai, kaibigan mo rin ba ako?" Tanong ni Phia

Hindi naman sumagot si Jai tanging ngiti lang ang pinakita niya.

"Bakit mo naisipan itanong 'yan?" Biglang tanong ko

"Bigla lang pumasok sa isip ko" ngiting sagot ni Phia

"May isip ka pala" asar na sabi ni Nida

"Kanina mo pa ako inaasar" inis na sabi ni Phia

"At kanina ka pa napipikon" ngiting sabi ni Nida

Hindi na lang pinansin ni Phia si Nida.

"Jai, Hindi mo ba ako kaibigan?" Ngusong sabi ni Phia

"Kaibigan kita, Kaya kapag may dumapong lamok sa noo mo, babarilin ko maprotektahan lang kita" ngiting sabi ni Jai

"Ang sweet mo Jai" kinikilig na sabi ni Phia

"Hahahahaha" natatawang sabi nina Lei at Nida

Ngumiti naman kami ni Rheem.

Anong sweet doon?

Kapag binaril ka sa noo, syempre patay ka na.

"Nagtatawan ang mga malalandi" biglang sabi ni Sham

Hindi namin naramdaman ang pagdating nila.

Tumigil naman sina Nida at Lei sa pagtawa.

Tiningnan ko ang kasama ni Sham kumpleto sila.

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now