Rheem POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, nagbabasa ng wattpad. Ang title Ms. Right by red_pages.
Habang nagbabasa na may narinig ako na kumakatok.
Tok tok tok
"Senyorita Rheem may bisita po kayo" sabi ng isang maid sa 'kin habang nasa labas ng pintuan
Wala naman ako inaasahan na bisita ngayon ah.
"Sino?" Tanong ko habang nagbabasa pa rin
"Si Senyorito Casper po"
Si Boyfie, hindi siya tumawag or nag-text sa 'kin na pupunta siya dito.
"Sige" sabi ko
"Nasa garden po siya" sabi niya sa akin
"Sige"
Narinig ko na umalis na siya.
Dali dali ako nag-ayos, pagkatapos lumabas at bumaba na rin ako.
Agad na rin ako pumunta sa garden.
Nakita ko siya nakaupo sa may bench at naka-earphone.
Pumunta ako sa harap niya.
"Girlfie" ngiting sabi niya
Tinanggal niya ang earphone niya.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo pa rin ako
"Ayaw mo ba na nandito ako girlfie?" Malungkot na tanong ni Boyfie sa 'kin
Tumayo na rin siya. Nakita ko nawala ang mga ngiti niya sa labi.
"Hindi naman, ang sa 'kin lang ay dapat nag text ka or tumawag para alam ko na pupunta ka"
Nagbabasa kasi ako.
"Edi magagalit ka sa 'kin. Kasi ayaw mo na naiistorbo sa pagbabasa kaya hindi ako tumawag or nag-text sa 'yo kasi sa cellphone ka nagbabasa" Boyfie
"Naistorbo mo na nga ako" bulong ko
"Ganoon istorbo na pala ako"
Narinig niya? Sh*t.
"Hindi mali ka ng dinig" sabi ko
"Hindi ako bingi" seryosong sabi ni Boyfie
Bwisit.
"Sana sinabi mo na agad sa 'kin na ayaw mo ako nandito" seryosong sabi ni Boyfie habang nakatingin sa 'kin
"Edi sana kanina pa ako nakaalis" dagdag niya
"Boyfie" sabi ko
"Sorry sa pagiging istorbo ko sa 'yo"
"Sige na magbasa ka na ulit" pilit na ngiting niya
Tumalikod naman siya sa 'kin at nagsimula maglakad.
"Mas mahal mo pa ang fictional character kaysa sa 'kin" sabi niya habang patuloy pa rin sa paglalakad
Nakakakainis.
"Boyfie" tawag ko
Hindi naman niya ako pinansin.
Ang bilis niya maglakad.
"Boyfie" sigaw ko
Nagdesisyon ako na habulin siya ngunit hindi na ako umabot.
![](https://img.wattpad.com/cover/159513960-288-k835384.jpg)
YOU ARE READING
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...