Chapter. 39

48 10 0
                                    

Phia POV
Part 1

Proootttttt

Ang baho.

"Nida" sigaw ni Rheem

"Ang baho ng utot mo" sabi ni Lei

"May utot ba na mabango?" Mataray na sabi ni Nida

"Kayo na nga nakikiamoy, may gana pa kayo magreklamo" dagdag na sabi ni Nida

"Nakakamatay ang utot mo" biro kong sabi

"Edi sana kanina pa kayo namatay" Nida

Tumayo sina Rheem, at Jai. Lumabas na ng kwarto.

"Pasalamat kayo hindi ako madamot, kaya ng share ako ng blessing sa inyo" ngising sabi ni Nida

Lumabas na rin kami ng kwarto nina Lei, Nida at ako.

Dumiretso sa sala.

Nakita namin sina Rheem, Jai at Mitch na nakaupo sa sofa.

Lumapit naman kami sa kanila.

"Mitch, gusto mo ng meryenda?" Tanong ko

"No thanks"

Binuksan ko ang T. V para manonood kami.

"Phia" tawag sa 'kin ni Mitch

"Mag-usap tayo" seryosong sabi ni Mitch

Tumayo na kami ni Mitch.

Nauna si Mitch maglakad, ako naman ay sumusunod lang sa kanya.

Nakarating kami sa guest room. Ni lock ni Mitch yong pinto.

Mukhang importante ang pag-uusapan namin.

Umupo kami ni Mitch sa kama.

"Di ba sabi mo childhood bestfriend kita?" Tanong ni Mitch

"Oo" ngiting kong sabi

"Kwentuhan mo ako noon bata pa tayo" sabi niya sa akin

"Noong first day natin sa school, tayong dalawa pa lang 'yong magkaibigan, wala pa tayong teacher kaya pumunta muna tayo sa ........"

"Stop" seryosong sabi ni Mitch

Hindi man lang ako pinatapos.

"Hindi 'yan ang tinutukoy ko" dagdag na sabi ni Mitch

"Kung ganoon alin ba ang iku-kwento sa 'yo?" Takang tanong ko

"Paano mo ako nakilala?" Tanong ni Mitch

"Pumunta ako sa bahay ninyo tapos pinakilala ka sa 'kin ni Ry" ngiting sabi ko na maalala ko 'yon

"Kwentuhan mo ako simula baby pa lang ako" sabi ni Mitch

"Ang totoo niyan Mitch, sinilang ka ni Tita Chie sa ibang bansa at doon ka rin lumaki, kaya wala akong alam noon baby ka pa lang"

"Hindi mo ba nakita ang itsura ko ng baby ako?" Tanong ni Mitch

"Hindi" sagot ko

"Kahit picture man lang?"

"Hindi" sagot ko

"Pero ang sabi ni Tita Chie, maganda ka daw ng baby ka" ngiting sabi ko

Bakit niya ba tinatanong?

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now