Chapter. 40

56 9 0
                                    

Mitch POV
Part 2

"Ready na ang breakfast" sabi ni Phia sa 'min na pumasok siya sa guest room

Bumangon na sina Nida at Lei.

Kami nina Jai, Rheem at ako ay nakapa-ligo na ang unang naligo ay si Jai, sunod ay si Rheem, tapos ako.

Pagkatapos mag-ayos ng katawan. Bumaba na kaming anim.

Pumunta na rin kami sa kitchen area.

Umupo na kami sa pwesto namin kahapon at nagsimula na kumain.

"Swimming tayo" ngiting sabi ni Nida

"Ay gusto ko 'yan" tuwang sabi ni Phia

"Ang saya kapag walang ng gugulo sa 'yo" Nida

"Ang tinutukoy mo ba ay si Rienx?" Tanong ni Jai

"Oo" sabi ni Nida

"Masaya ka naman sa date ninyo di ba?" Tanong ko

"Oo" sagot ni Nida

"Makulit ang isang 'yon, para siyang garapata dikit ng dikit sa 'kin kahit umiiwas na ako" dagdag na sabi ni Nida

"Anong garapata?" Takang tanong ni Lei

"Iyong sa kuto yata ng aso, hindi ako sure" Nida

"Kuto ng aso? May kuto ba ang aso?" Takang tanong ni Phia

"Oo, kung tayo mga tao may kuto, sila pa kaya" Nida

"Kumakain tayo panay kuto ang pinag-uusapan ninyo" saway ni Rheem

Kumain ng kumain lang kami.

"Ituloy natin 'yong kwentuhan kahapon" sabi ni Lei

"Oo nga" sabi ni Phia

Wala ba siyang ibang sasabihin kung hindi ang sumang-ayon.

"Tapusin na natin ang pagkain" sabi ni Jai

"Para makapag-kwentuhan na tayo" dagdag pang sabi ni Jai

Ilang sandali natapos na kami kumain.

Tumayo, at pumunta kami sa sala para manood ng T. V, umupo sa sofa.

Napansin namin na tumayo si Nida.

"Guys, Maliligo muna ako" paalam ni Nida

Lumingon naman kami sa kanila.

"Sabay na tayo" sabi ni Lei kay Nida

"Gusto ko 'yan hahaha" ngiting sabi ni Nida

"Please lang Nida, huwag kang tatae para hindi mangamoy sa C. R" Lei

"Hahahaha, okay sabi mo eh" Nida

"Kadiri naman kayo" nandidiring sabi ni Jai

"Anong kadiri doon? Sabay lang naman kami maligo" Lei

"Mandiri ka kapag lalaki ang nagsabay maligo hahaha" natatawang sabi ni Nida

"Ano kaya ginagawa nila kapag may kasabay sila maligo na kapwa lalaki?" Dagdag na sabi ni Nida

"Hahahaha tumpak yaki" Lei

"Sino kaya sa kanila 'yong short or long?" Natatawang sabi ni Nida

"Kadiri" sabi nila Jai at Rheem

"Mga green minded kayo hahahaha" Nida

"Short means mabilis maligo, long means matagal maligo, 'yon ang tinutukoy ko" dagdag na sabi ni Nida

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now