Henz POV
Nandito kami ngayon sa may garden walang masyadong tao rito, kaya dito ang tambayan namin.
May kanyang-kanya kaming ginagawa na biglang.
"Uy Henz" tawag sa 'kin ni Rone
Agad naman ako lumingon sa kanya.
"Bakit ba? Kanina ka pa" inis na sabi ko
Kanina pa siya, Palibhasa walang ginagawa kung hindi ang kulitin kami.
"Hindi mo kasi ako pinapansin" Rone
"Hindi mo kasi ako nilulubayan" sabi ko
"Tama na 'yan" awat sa 'min ni Nate
"Si Yssa ang guluhin mo huwag ako" sabi ko habang nakaturo kay Yssa naabala sa paggawa ng assignment
Agad naman napalingon dito si Yssa.
"Bakit ako na naman?" Tanong ni Yssa
Hindi ko naman sinagot ang tanong ni Yssa.
Na biglang magsalita si Rone.
"Sige, hindi na kita kukulitin Henz" sabi ni Rone
Mabuti naman, Para makapag-isip ako.
"Pero si Tibo na lang ang kukulitin ko" ngiting sabi ni Rone
"Rone naman may ginagawa ako" Yssa
Kapag wala pwede.
"Sige hindi na kita guguluhin" sabi ni Rone
Agad naman napangiti si Yssa.
"Pero mamaya guguluhin kita hahaha" dagdag pa ni Rone habang tawang-tawa
Sumimangot naman si Yssa.
"Shut up Rone" Yssa
"I don't need to be quiet all I need is to kiss you" seryosong sabi ni Rone
Bago 'yon ah. May hindi ba ako alam sa kanila?
Napatingin namin dito si Ry at Nate na busy sa cellphone kanina.
Si Tri naman natutulog.
Nakita ko naman na namumula si Yssa.
"Biro lang 'yon Rone di ba?" Tanong ni Yssa kay Rone
Hindi naman siya sinagot ni Rone.
Nakatingin lang sa kanya si Rone.
"Ang galing mo magbiro hahaha" Yssa
"Sa tingin mo ba lagi ako nagbibiro?"
"Sa biro ko na lang ba dina-daan lahat?"
Nakikinig naman kami kay Rone.
Gayon din si Tri.
Nagising na pala ang yelo.
"Alam ko minsan naiinis ka sa 'kin dahil kinukulit kita. Ginagawa ko 'yon para hindi mapunta sa iba 'yong atensyon mo"
Habang seryoso siya sa sinasabi niya. Palapit ng palapit si Rone kay Yssa.
Halatang seryoso si Rone sa mga sinasabi niya.
"Childish man pakinggan pero gusto ko ako lang ang kumukulit sa 'yo"
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Yssa
![](https://img.wattpad.com/cover/159513960-288-k835384.jpg)
YOU ARE READING
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...